Friday , November 22 2024

Kambal nina Aga at Charlene, studies muna ang focus 

SINONG mag-aakala na ang dating 20 stores ng Jollibee noong 90’s ay mahigit ng nasa 1,000 branches na ngayon sa Pilipinas. Ito ang nalaman namin kay Aga Muhlach sa ginanap na mediacon sa TV ad campaign nilang Mula Noon Hanggang Ngayon nitong Linggo.

Early 90’s noong kuning endorser si Aga at ngayong may pamilya na siya ay parte na rin sila sa ad campaign ng Chickenjoy na flagship ng Jollibee.

Sabi nga ng aktor kung ano ang naalala niya, ”memories of course, there’s no denying that Jollibee will always be Jollibee and will always play a big part in my family’s lives.”

Mga bata pa noon ang kambal na sina Atasha at Andres nang makasama nila ang magulang nilang sina Aga ar Charlene sa isang Jollibee TVC at muling nagbalik ngayong mga dalagita’t binatilyo na kaya laking gulat ng mga nakapanood dahil ang ang bilis ng panahon.

Ibinulong sa amin ni Charlene na ninenerbiyos ang kambal sa una nilang pagharap sa mediacon dahil nga hindi naman sila lumaki sa harap ng camera.

Curious ang lahat sa kambal kung ano ang plano nila sa buhay kaya tinanong kung susunod sila sa yapak ng magulang nila sa showbiz.

Sabi kaagad ni Aga,”well, I’ll let them decide on their own.”

“As of now, I’m more focus on my studies because I have a commitment to myself and to my parents that I would finish school. If interested (showbiz), maybe,” say ni Andres.

At si Atasha naman, ”whatever happens, happens but studies first, school first.”

Salo naman ni Charlene, ”yes, I think they made that promise to us and that was one of the things that we really wish for our children, to finish their studies first. Siguro pagdating ng panahon after they finish, then they can decide na. But for now, enjoy first their studies, they’re only 16 (years old). And this is the first time na lumabas sila that Aga and I feel that it’s time because they’re older now. Kasi when they’re were still kids, parang shinelter namin sila, now that they’re older, slowly, right? (sabay tingin sa kambal.)”

Alam ng mag-asawang Aga at Charlene na isang araw ay magsasabing gusto na ring mag-showbiz ang kambal kaya pinaghahandaan naman nila ito.

“We support them whatever path they would choose, kami ni Aga were always be grateful sa showbiz industry and our family. If they (Atasha at Andres) decide when they finish school and if they’re still open to this path, that will be their decision, but for now (studies first),” pahayag ulit ni Charlene.

Ang bilin ng mag-asawa kina Atasha at Andres sa unang pagharap nila sa presscon, ”No, we just wanted them to be themselves, wanted them to be natural as possible, just be them, ‘di ba ‘Bi, (sabay lingon kay Aga),” sabi ng magandang misis ni Aga.

For now ay mas gusto muna ni Andres ang commercials, ”I’m not sure yet, but I’m open to do commercials, I feel like its schedule wise.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Nadine Lustre

Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto

HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *