Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atasha Andres Aga Muhlach Charlene Gonzalez Jollibee Chicken Joy

Charlene, naiyak sa commercial nina Atasha at Andres

HINDI na matandaan ng kambal na Atasha at Andres Muhlach (anak nina Charlene at Aga Muhlach) kung kailan at anong edad nila ginawa ang kauna-unahang Jollibee commercial.

Sa launching nga Isa pang Chickenjoy! commercial ng Jollibee, hindi matiyak ng magkapatid kung anong edad nila dahil ayon nga kay Charlene, napakabata pa ng mga iyon.

“Hindi nila matandaan kasi parang hindi naman work ‘yon sa kanila, laro lang,” sambit ni Charlene na naiyak pala nang makita ang commercial ng kanilang mga anak. “Sentimental kasi ang bagay na ito sa akin,” dagdag pa ng dating beauty queen.

Apat na taon lamang pala ang kambal nang gawin ang Dito sa Jollibee, Dito ang Saya na tanging ang kanilang amang si Aga (tulad din ng sinabi nito) ang nagsasalita at nagtatrabaho dahil naglalaro kapwa ang dalawang bata.

Pero bago ito, ang magaling na actor ang kauna-unahang endorser ng Jollibee. Nasa edad 20 o 21 lamang noon si Aga at ayon nga sa manager nitong si Manay Ethel Ramos, ‘binata pa si Aga noon.’

Sumunod na ginawa ng mag-anak ang Bida Ang Saya! noong 2006 at nasundan ng kay Aga iyong Isa Pa, Isa Pang Chicken Joy kasama si Serena Dalrymple.

At ngayong 2018, nagbabalik ang Muhlach family para sa Isa pang Chickenjoy! Jollibee commercial at sa 40 taong homegrown fast-food brand. Kaya nga Mula Noon, Hanggang Ngayon, Muhlach family sa Jollibee. Malaki na ang kambal na ngayon ay 16 taong gulang na kaya naman dalagang-dalaga na ang hitsura ni Atasha at si Andres naman ay 6’1″ na ang taas.

Ang kasalukuyang Chickenjoy TV commercial ay nagsimulang iere noong Enero 2018 ay nagpapakita ng bagong side ng pamilya Muhlach. Sa ad, ipinakikita kung paano naging parte ng kanilang pamilya ang naturang pagkain. At tulad ng ibang pamilya, ang pagkain ng sama-sama ay isang paraan ng masaya at magandang family bonding at para ipagdiwang ang pagsasama-sama nila sa isang paboritong lugar na kinalakihan at nakasanayan na.

Kaya naman sa Mula noon, hanggang ngayon, ang tanging nasabi ni Aga ay, “Chickenjoy has been a constant presence in my life. Not only because of all the projects I did with Jollibee but because it really is my favorite fried chicken. From the crispylicious skin to the juicylicious, malinamnam meat that you dip in the gravy, Chickenjoy relly hits the spot when it comes to flavor na ‘di ko malilimutan.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …