Thursday , December 19 2024
Bela Padilla Carlo Aquino Alessandra de Rossi Empoy Alempoy
Bela Padilla Carlo Aquino Alessandra de Rossi Empoy Alempoy

Alessandra at Empoy, ‘di natinag nina Bela at Carlo

NAKAAALARMA para sa minor industry players (we mean, mga bagitong film producer) ang kinahinatnan sa takilya ng Bela PadillaCarlo Aquino movie.

Kung accurate ang naitalang kita nito sa unang araw ng showing—na P3-M—hindi ito isang magandang senyales lalo’t kung bigat ng cast (at ganda na rin marahil ng kuwento) ang pag-uusapan.

Mayroon pa itong major support ng mga artistang hindi naman bahagi ng pelikula. Idagdag pa ang libreng publisidad ng muling pagkakaugnay ni Carlo sa ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Track record-wise, maganda ang naitala pang imahe ng Spring Films—ang producer nito—na pag-aaari nina Piolo Pascual, direk Joyce Bernal, at isa pa nilang business partner.

Isang malaking sorpresa kasing matatawag ang OA na kinita sa takilya ng kanilang (ikalawa nga ba?) naunang movie, ang Kita Kita, nina Alessandra de Rossi at Empoy na pumalo ng mahigit P300-M sa entire commercial run nito.

Tiba-tiba dahil gasino lang ang ipinuhunan ng Spring Films. Ganito rin kaya ka-low-budget ang Bela-Carlo movie to think na sangrekwa ang bumubuo ng cast nito?

We doubt.

Bukod sa Spring Films, ang isa pang minor industry player na nagtangkang magprodyus noong nakaraang taon ay ang CineKo Productions. Pag-aari ito ng natalong gubernatorial candidate na si ex-Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque.

Ang pagpoprodyus ang ginawang fallback ni Ginoong Roque nang ‘di palarin sa kanyang political bid, na in fairness ay nagbunga naman ng maganda sa box office success ng maiden offering nito, remake ng isang Chiquito movie.

Kaso, hindi na-sustain ng nasabing film outfit ang kanilang lucky streak. Malagihay kundi floppey ang Ai Ai de las movie this year considering na si Joel Lamangan pa ang nagdirehe.

Ang ipinrodyus din ng CineKo na Fallback ay finished product na lang nilang ibinenta at hindi na minarket bilang leksiyon yatang natutuhan ng produ, na mas magandang balik-puhunan na may kaunting kita kaysa mangunsumisyon.

On this note, nakate-tense ang posibleng sapitin ng kanilang latest offering, na mga bida ang isang taga-ABS-CBN at dalawang taga-GMA (hindi raw namin binanggit ang title, o!).

Bale ba, naunang magpa-presscon ang isa pa nilang project, isa naman itong film adaptation ng sikat na soap opera sa TV na makalawang beses nang isinalin sa TV.

As always, hindi garantiya ang magandang material, o ang bigat ng cast, o ng husay ng mamamahalang direktor, o maugong na publicity para makatiyak ng tagumpay sa takilya.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *