MASAYA ang talented na Kapamilya actor na si Ogie Diaz dahil sa magandang pagtanggap ng manonood sa teleserye nilang The Blood Sisters na tinatampukan nina Erich Gonzales, Enchong Dee, Ejay Falcon, at iba pa.
“Actually may celebration kami, may abang na kasi ‘yung show, marami na agad sumusubaybay. Kahit ako na-feel ko iyon e, importante iyong mataaas agad ang rating sa umpisa pa lang,” pahayag ni Ogie.
Dagdag niya, “Kay Erich nga, lagi kong sinasabi na ang husay mong umarte. Siya mismo, naglagay ng pananda sa bawat isa sa tatlong characters na ginagampanan niya rito. Ang husay niya, saka walang kaere-ere ang batang iyon at ang bait pa niya, kaya rin siguro b(in)lessed kami ng magandang ratings. Kaya I’m also a fan of Erich now.”
Nabanggit din ni Ogie ang iba pa niyang pinagkaka-abalahan.
“Every Saturday naman, judge ako together with John Prats, teacher Georcelle of G Force sa MNL 48 sa It’s Showtime hanggang matapos ang contest. Nag-second printing na ang “Pak! Humor” book ko, kaya available na uli sa lahat ng National Bookstore nationwide. For bulk order, they may message us sa fanpage “Pak Humor Life Is Short, Wag Kang Nega. Iyong book signing ko to be announced soon,” saad ni Ogie na napapanood din sa OMJ sa DZMM Teleradyo with MJ Felipe every Saturday 9 to 10pm.
Dagdag niya, “Ipinagawa ko itong Meerah Khel Studio dahil nalalapit na ang Summer Wokshop ko for Acting, Voice Lesson, at Hosting. E, wala namang nagtuturo ng Hosting, so bubuksan ko ngayon. Inihanda ko ito for summer workshops ng mga gustong matutong umarte, ‘yung mga nagho-host na gusto pang humusay mag-host and I got Bob Novales (the voice behind ASAP) as facilitator, MJ Felipe (for TV) and Loi Villarama (for events hosting). We have Marissa Sanchez, Sunnyrose (who coaches the teens and kids sa The Voice) as voice coaches. Sa acting naman, we have Aiko Melendez, Candy Pangilinan, Beverly Salviejo, Ron Morales and Lester Llansang as facilitator.
“For inquiries, they may visit our fanpage Ogie Diaz Acting Workshops or email [email protected]. Iyong kapatid ko, siya iyong nagko-coordinate,” aniya.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio