Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine at James, panay ang tukaan

HINDI lahat ng mga nakapanood na ng maikling pagsilip sa pelikula nina Nadine Lustre at James Reid ang nagagalak makita ang ilang mga tagpo roon.

Katwiran, lalong-lalo na ng mga konserbatibo pa rin sa ating millennial na panahon, puro tukaan lang naman ang mga eksena. Hindi kaya all throughout the movie ay ganito rin lang ang mapapanood ng publiko?

Para sa amin ay way past their teenage status na sina Nadine at James. Kahit ang teleserye nila noon ay malayo sa mga pa-tweetum na palabas kung ikukompara sa mga programa nina Kathryn Bernado at Daniel Padilla, Liza Soberano, at Enrique Gil.

Ang kina Nadine at James is one step beyond, na nag-mature na rin sila. At saka kataka-taka pa bang mas daring na ang JaDine ngayon considering na kahit naman sa totoong buhay ay liberated ang tingin nila sa mundo?

Among the present loveteams, ang JaDine lang naman ang nagpauso ng kawalan ng big deal o malisya sa live-in setup. So, nagiging consistent lang sila with the type of films na nilalabasan nila.

To top it all, teaser lang ‘yon na tumatakbo ng ilang minuto. Malinaw na pangiliti lang ‘yon para maengganyo ang mga manonood.

Dahil teaser nga lang ‘yon, hindi roon necessarily iikot ang buong kuwento, much less hindi puro laplapan lang ang masasaksihan from beginning to end.

Baka porno naman kasi ang ine-expect ng fans, puwes, naglipana ‘yon sa mga lansangan sa Maynila, ‘yun na lang ang pagtripan nila!

 (RONNIE CARRASCO III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …