NAKAGUGULAT ang lakas ng loob ng mga tao ni Dra. Belo sa isa sa kanyang klinika.
Hindi sila pumayag na mainspeksiyon ng mga operatiba ng Food and Drug Administration (FDA) kahit may reklamo na nagbebenta sila ng mga hindi rehistradong gamot.
Nauna na palang iniutos ng FDA sa Belo Medical Group (BMG) na itigil ang pagbebenta ng 11 klase ng hindi rehistradong skin care products makaraang madiskubre ng FDA Regulations Enforcement Unit (REU) sa pangunguna ni ret. General Allen Bantolo sa ikinasang surveillance at test buy operations na may paglabag sila.
Ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno, nahaharap din sa kasong contempt at obstruction of justice ang ilang tauhan at empleyado ng sikat na skin care firm dahil tumanggi silang magpa-inspeksiyon sa ahensiya.
Tinukoy ni REU chief, ret. General Allen Bantolo, ang mga cosmetic and drug products na ipinagbawal ng FDA na ibenta ng BMG ay ZO Medical by Zein Obagi, MD Glycogent Exfoliation accelerator 10% concentration, ZO Medical by Zein Obagi Foamaclense Gentle Foaming cleanser for all types, ZO Medical by Zein Obagi Oclipse Sunscreen Primer SPF 30 Protection, BELO Illuminating Cream Alpga Arbutin+Liqurice and Belo Prescriptives Keralyt-2 Cream.
Nabatid sa inilabas na ulat ng FDA, may ilan pang ‘di-rehistradong produkto ang BMG na hindi maaaring ibenta sa merkado katulad ng ZO Medical by Zein Obagi MD Melamix Skin Lighener & Blending creme Hydroquinone USP 4%, Zo Medical by Zein Obagi Melanin Skin Bleaching & Correcting Creme Hrmydroquinone USP 4%, Belo Prescriptive Acne Astringent, Belo Prescriptives Belo white, Belo Prescriptive DLC Peeling Creme at ZO Medical Zein Obagi MD Cebatrol.
Pero hindi umano sumagot ang BMG sa FDA makaraang tumanggi sa inspeksiyon.
Hindi natin akalain na ang isang kompanyang gaya ng BMG ay mayroong malalang paglabag sa FDA?!
Isa itong kompanya na mataas ang reputasyon at marami ang nagtitiwala. Tapos ngayon, mabubunyag na hindi pala rehistrado sa FDA ang ginagamit nilang produkto para sa kanilang mga kliyente?
Wattafak!
Ang laki ng kinikita ng BMG. Alam ng lahat na kung walang kuwarta ang isang kliyente na gustong gumanda ay hindi sila puwede kay Dra. Belo.
Tapos hindi pala rehistrado sa FDA ang ilang produkto nila?! Paano ang seguridad ng mga nagtitiwala sa kanila kung hindi pala aprobado ng FDA ang mga produkto nila?!
Hindi ba’t nakatatakot ‘yan?!
Bakit?! Ayaw ba nilang magbayad sa ahensiya ng gobyerno?
Tsk tsk tsk…
Walang nagawa ang FDA kundi sampahan ng kaso ang BMG.
Hindi kaya madaan sa ‘mabyuting Belo’ ang kasong ‘yan?!
Aba’y nagtatanong lang po tayo, pakisagot na lang kung gusto ninyong maglinaw BMG clinic.
‘Yun lang po.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap