INIHAYAG ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Linggo, ikinokonsidera nila ang mga bansang maaaring paglipatan sa overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi mula sa Kuwait.
“We are now in the process of looking alternative markets. One of them is China. And even Russia,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
Tinatayang 800 undocumented OFWs sa Kuwait ang nakatakdang umuwi sa Filipinas kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pang-aabuso ng mga employer sa Filipino workers, ang iba ay namatay, sa nabanggit na bansa.
Magugunitang isang Filipina ang natagpuan ang katawan sa loob ng freezer sa nabanggit na bansa, kinaroroonan ng halos 250,000 OFWs at tinatayang 50,000 undo-cumentend Filipino wor-kers.
Bukod sa planong redeployment ng OFW sa ibang bansa, tiniyak ni Bello na magkakaroon sila ng trabaho sa ilalim ng reintegration program ng pamahalaan.
“Bibigyan sila ng livelihood. Kung may naghihintay ng trabaho dito, we’re looking for teachers, we’re looking for skilled workers,” ayon sa kalihim.