Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Papa Ahwel, ratsada sa pag-arte

SIGURADO ring aabangan ng mga suki ng MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Sabado (Pebrero 10) sa Kapamilya ang life story ni Papa Ahwel Paz!

Isa siya sa anchors ng DZMM at maghu-host din ng events here and abroad at manaka-nakang nag-aartista sa TV at pelikula. At owner siya ng Dong Juan Restaurant. At pinuno ng I Love My Family Foundation.

Sa tsika sa amin ni Papa Ahwel, mismong si CSC (Charo Santos-Concio) ang kumausap sa kanya para mai-feature ang life story niya sa MMK. Nabasa nito kay Ricky Lo ang feature sa kanya kaya agad-agad na ipina-contact na siya para ito na ang sunod na i-feature sa longest drama anthology sa Asya.

Si Topel Lee ang nagdirehe sa mga artista sa pangunguna ni Francis Maguindayao sa nasabing episode.

Hosting ba o akting na?

Eto ang litanya niya:

“Hi Tita Pilaru..Sabay sabay blessings dami ganap.

Blessing overload! Share ko lang po.

  1. MMK of my own life story this Saturday na po.
  2. I am shooting a movie now with Kim Chiu and Ryan Bang for Star Cinema (shoot ongoing).
  3. Palabas na po ang The Significant Other on Feb 21 with Erich G and Lovi Poe and part din ako ng movie.
  4. May upcoming shows po ako sa Athens, Greece, Taiwan, London, Milan, Dubai etc. 
  5. Nominated po ako sa PMPC Star Awards for Movies for Best New Movie Actor sa Bhoy Intsik. 
  6. And more hahaha.

Hehehe love you Tita Pilaru. God bless po!’

I am a multi-task person. I believe in the “Parable of the Talents”. I want to utilize and enhance my talents more.”

Siya! Learn from his life story!

HARDTALK
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …