PAGDATING sa Gay Beauty Pageant sa TV ay original ang Eat Bulaga. Dekada 80 pa lang ay nagsimula nang magpakontes ang pantanghaling programa sa mga bading na girl looking at may talent siyempre.
Kumuha pa sila noon ng franchise para sa popular noong Miss Gay Philippines ng namayapang movie columnist talent manager na si Chito Alcid. Naging malaking tagumpay ito at na-ging daan para tanggapin ang mga gay comedian sa telebisyon.
Ngayon ay muling ibinabalik ng EB ang “Super Sireyna” na in fairness mas nag-level up sa millennials ng ating panahon. At siyempre mas malaki ang cash prize na maiuuwi ng daily at weekly winner lalo na pagdating sa grand finals.
Isa pang na-witness namin aba, hindi lang palaban at talented ang mga bading kundi mga pretty talaga at may laman ang utak. Actually ‘pag pinagmasdan sila ay mas magaganda pa sila compared sa mga tunay na girl.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma