Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Promo ng Lovi-Erich movie, tinitipid?

NAKUKULANGAN kami kung paano dapat sana’y bugbog sa promo ng Lovi Poe-Erich Gonzales movie.

Ewan kung “austerity program” ang ina-adopt ng production outfit nito—a virtual minor industry player—na dapat sana’y maugong na nagpapakilala.

May pagka-selective kasi ang pag-iimbita sa press kahit na ng mga nagdaang pa-presscon ng mga pelikulang ipinrodyus nito.

Ang maiden offering nilang Vhong Navarro starrer, na nabalitang kumita na’t lahat, ay wala man lang pa-thank you sa press. Kahit man lang magmula mismo sa bulsa ng bidang si Vhong ay waley considering na mataas din ang kanyang TF doon.

Now with the upcoming film ng nasabing production company, tipid-tipiran uli ang pamunuan nito. At kung shoestring ang budget na ipinaiiral ng produ pero umaasang kikita ‘yon sa takilya, wala ring iniwan ‘yon sa salitang “sigurista” bordering on opportunism.

Huwag silang magpakakompiyansa just because mahusay ang nagdirehe ng Lovi-Erich movie. Tested and proven na, na kahit pinakamagaling man na direktor ang namamahala ng anumang film or TV project ay hindi ‘yon garantiya na pasok ‘yon sa banga in terms of box office take.

And FY lang, ha? ‘Yung pelikula bago rito na pinagbibidahan ni Ai Ai de las Alas ay mild hit o malagihay lang ang naging resulta sa takilya.

Again, tinipid din kasi.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …