Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Premiere night ng Meet Me In St. Gallen dinagsa ng mga celebrity

DINAGSA ng maraming sikat na bituin ang celebrity screening ng pelikulang Meet Me in St. Gallen last Tuesday sa Trinoma Cinema-7. Kabilang sa mga celebrity na namataan namin doon sina Piolo Pascual, ang Kapuso actress na si Maine Mendoza, Robin Padilla, Yassi Pressman, Angelica Panganiban, Xian Lim, Iñigo Pascual, Direk Paul Soriano, Moira dela Torre, Direk Joyce Bernal, Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado, at marami pang iba.

Siyempre ay present that night ang mga bida ng pelikula mula Viva Films at Spring Films na sina Bela Padilla at Carlo Aquino, plus ang director nitong si Irene Villamor.

Base sa reaction ng mga celebrity audience na dumalo sa nasabing event, pinahanga raw sila sa galing nina Bela at Carlo. Kaya highly recommended nila ang pelikulang ito.

Isa sa celebrity na pinag­kaguluhan nang husto sa successful na event ang Kapuso actress na si Maine Mendoza. Dumating si Maine sa Trinoma kasama sina Sheena Halili at Juancho Trivino, na mga co-star niya sa dating TV series ng GMA-7 na Destined To Be Yours. Si Direk Irene ang director ng naturang teleserye.

Base sa short interview namin kay Main, sinabi ni­yang, ”Maganda, ang ganda ng movie, totoo ito.”

Incidentally, congrats sa bumubuo ng pelikulang Meet Me in St. Gallen na showing na last February 7 dahil Graded-A ito ng Cinema Evaluation Board.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …