Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo, muling bibida sa Amnesia Love

“I WANT a good film na worth ‘yung pagod.” Ito ang tinuran ni Paolo Ballesteros matapos manalo ng Best Actor award sa Tokyo Film Festival at Metro Manila Film Festial kaya naman gusto niyang magpatuloy sa paggawa ng pelikula.

Kaya ngayong Pebrero, muling matutunghayan si Paolo sa handog ng Viva Films, ang Amnesia Love sa isang karakter na naghahanap ng kanyang tunay na katauhan.

Itoý idinirehe ni Albert Langitan, na nagsimula bilang scriptwriter, hanggang sa nagdirehe ng reality shows at teleserye gaya ng Impostora at Super Ma’am.

Kaya sa pagsasama nina Langitan at Ballesteros sa kanilang  pagkamalikhain at dedikasyon sa trabaho, nakabuo sila ng isang laugh-out-loud na pelikula na mahirap kalimutan.

Kasama rin sa pelikulang ito ang sweet at  seksing ni Yam Concepcion  na unang nakilala sa 2012 adult drama, Rigodon na idinerehe ni Erik Matti.

Ang Amnesia Love ang maituturing na reunion film nina Paolo at Yam. Una silang nagkasama sa 2016 blockbuster movie, Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! kasama ang Kapuso star na si Dennis Trillo at ang Princess of All Media na si Anne Curtis. 

Bukod kina Paolo, Yam, Lander Vera Perez, at Maricel Morales, kasama rin sa pelikula sina Polo Ravales, Vandolph Quizon, Geleen Eugenio, at Sinon Loresca. Mapapanood ang Amnesia Love sa mga sinehan simula Pebrero 28.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …