Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian Rivera forever Kapuso (Nagsalita na nang tapos)

DAHIL sa sobrang love ni Marian Rivera ang kontrata niya sa GMA at magandang pag-aalaga sa kanya ng mother studio, sa recent contract signing at presscon ni Yan Yan na muli siyang pumirma ng three years exclusive contract ay nagbitiw ng salita ang Primetime Queen ng GMA — hindi na siya aalis sa eistasyon.

Isa sa nagustuhan ni Marian ay never siyang pinagbawalan ng mga bossing niya sa GMA na magbuntis. Wala raw naka-stipulate sa contract niya na bawal siya magbuntis.

Idagdag pa rito ang magandang relasyon niya at ng kanyang management (APT Entertainment at All Access To Artists) sa network. Excited ang manager ni Marian at presidente ng All Access To Artists na si Sir Rams David sa bagong milestone sa career ng alaga sa GMA.

“Masayang-masaya kami. Ang GMA 7 ang nag-alaga sa kanya from the very start na nag-umpisa siya hanggang ngayon na mayroon na siyang pamilya at anak and she is still doing her best na maging worthy na maging Kapuso star and GMA’s Primetime Queen.

Next week nakatakda na silang makipag-meeting sa bigwigs and exectuives para mga bagong project na gagawin ni Marian at type ng actress na mag-drama at comedy.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …