MAGAGANDA at matatalino ang mga kandidata ng Miss Caloocan 2018 na mula sa iba’t ibang barangay na hatid ng Cultural Affairs Tourism Office (CATO) ng Caloocan at sa pangunguna ni Ms Kat Malapitan at ng butihing Mayor ng Caloocan na si Oscar “Oca” Malapitan.
Ang ilan sa mga kandidata ay pangarap na maging artista at beauty queen kaya naman ang pagsali sa Miss Caloocan na kung maiuuwi ang korona ang kanilang tulay para maisakatuparan ang pangarap. Ang mananalo ay may responsibilidad na magsilbi sa kapwa at makiisa sa kawanggawa.
Sa 26 Candidates na ipinakilala sa entertainement press noong Huwebes, nag-standout ang mga kandidatang may numero 14, 6, 7, 9, 10, 12, 16, 21, 1, at 8.
Sino kaya sa mga kandidata ang susunod sa yapak nina Angel Locsin, Aubrey Miles, at Congresswoman Mitch Cajayon na pare-parehong nanggaling sa Miss Caloocan? Malalaman ‘yan sa Coronation Night sa February 24 sa Caloocan City Sports Complex at mapapanood sa TV5.
MATABIL
ni John Fontanilla