Saturday , November 16 2024

Trillanes sa Senado: Bank accounts nina Digong, Sara busisiin

INIHAYAG ni Senador Antonio Trillanes IV nitong Linggo na maghahain siya ng resolusyon na naglalayong hilingin sa Senado ang imbestigasyon hinggil sa sinasabing bank records nina Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng kanyang pamilya.

“With this resolution, I am accepting President Duterte’s challenge to investigate his alleged ill-gotten wealth to once and for all reveal the truth on this issue. The public wants to know the truth and it’s in the hands of the Senate to uncover it,” ayon kay Trillanes.

Aniya, ihahain niya ang nasabing resolusyon ngayong Lunes.

Bago umalis patungo sa India nitong 24 Enero, sinabi ni Duterte na handa siyang paimbestigahan sa Kongreso ang sinasabing kanyang yaman upang matapos na ang isyu.

Sinabi ni Trillanes, Duterte “must address this issue squarely once and for all.”

“If he has nothing to hide, he should bare it all and sign the waiver. On the contrary, he has been dilly-dallying in his statements, and instead has been bluffing the people by publicly ordering AMLC (Anti-Money Laundering Council) to investigate his alleged bank accounts, although we all know that AMLC would not do it unless he signs a waiver on bank secrecy,” dagdag ng senador.

Ayon sa senador, hihilingin niya sa Senado na busisiin ang bank documents ni Duterte at kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinabi ni Trillanes, sa pamamagitan nito ay maisisiwalat ang “undisclosed covered transactions or bank transactions exceeding P500,000, which may have violated the Anti-Money Laundering Act (AMLA).”

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *