Thursday , December 19 2024

Glory days ni Jay Sonza, hindi na maibalik (Karapatan ng mga bata, dapat alam)

MEDYO nakagugulat lang pero walang masama.

May kaugnayan ito sa isang tsikang aming nasagap tungkol sa retirado nang brodkaster na si Jay Sonza.

Bago namin ipagpatuloy ang aming kuwento, lilinawin na nagsimula ito sa isang blind item pero tukoy na tukoy naman ang pagkakakilanlan ng male subject, si Ginoong Jay Sonza nga.

Gaano katotoo na hindi lang minsan siyang namataan sa isang kalye sa Quezon City (parteng Roxas District-Roces Ave.) na tila nakaistambay lang? May halukipkip umano siyang mukhang folder, na tinatayang portfolio o resume niya.

Duda tuloy ng nakakita sa kanya, since hindi na aktibo sa larangan ng broadcasting si Jay ay malamang na naghahanap ito ng trabaho. Bale ba, ilang tumbling lang ang lugar na namataan sa rati niyang tahanan, ang ABS-CBN. Pero sa isip-isip ng aming source, may lulugaran pa bang muli roon ang mahusay na tagapaghatid ng balita kung sama-sama na sa estasyon ang mga batikang brodkaster tulad nina Noli de Castro, Ted Failon at kung sino-sino pa?

Eh, ano ba kung subukan ni Jay na mag-apply naman sa GMA? Pero naghahari naman doon ang mga tulad ninaMike Enriquez, Arnold Clavio and the like. Kung interesado man ang GMA news kay Jay, eh, ‘di sana’y noon pa siya hinabol nito.

Sa husay mayroon si Jay sa kanyang larangan ay imposibleng magkumahog siya, mabigyan lang ng trabaho ng kahit aling network sa bansa.

Pero ano nga kaya ang diperensiya kung bakit hindi na maibalik pa ni Jay ang kanyang glory days? Eh, ‘di lalo na siguro ngayon kung kailan “negang-nega” ang dating niya sa kanyang pagpatol sa walang kalabang-labang si Bimby sa social media, ano?

KARAPATAN
NG MGA BATA,
DAPAT NA ALAM
NI JAY

LITERAL na ang spelling o pagbabaybay can spell a lot of difference.

Sa bigla’t mabilis na pagbasa ng isang written word ay maaari itong magdala ng kakaibang kahulugan. Halimbawa na lang ang tinuran ng brodkaster na si Jay Sonza sa kanyang social media account.

Kinuwestiyon kasi ni Jay kung ano na nga ba ang kasalukuyang estado ng pagbabalita. Isinahalimbawa niya ang paghe-headline ng pagkakadulas ni Bimby, anak nina Kris Aquino at James Yap, sa swimming pool.

Mas binigyan kasi ito ng editorial prominence kompara sa pagputok ng Bulkang Mayon at ang isyu sa alleged Dengvaxia scam.

Tinawag ni Jay na “baklaing bata” si Bimby. Take note of the spelling, hindi ‘yon “balang” kundi “baklain.”

Totoong even grammar experts o mga dalubhasa sa balarila will readily notice the difference ng dalawang salitang ‘yon. Pero iisa o root word ng mga ito: bakla.

Translated to English, “gay-ish” ang nais ipakahulugan ni Jay bilang paglalarawan kay Bimby. Or gay-like, not categorically gay o bayot.

Bagama’t nilinaw din naman agad ni Jay ang kanyang post for lack of a better descriptive word, nakatikim na siya ng upak mula sa mga netizen. Iba naman ang estilo ni Kris, inihalintulad niya si Jay sa “baboy” na hindi dapat patulan.

Our take on the issue. Brodkaster si Jay, dapat ay alam niya ang mga karapatan ng mga bata. ‘Di ba, may anak din naman sila ni Mel Tiangco?

(RONNIE CARRASCO III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *