Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, patuloy na nabibiyayaan (kahit ‘di maganda ang 2017)

SA kabila ng mga hindi magandang nangyari kay Kris Aquino noong 2017, iginiit ng Queen of Online World and Social Media na wala na siyang mahihiling pa para sa kanyang ika-47 kaarawan sa February 14.

Ani Kris sa contract signing ng kanyang ika-40 brand partner at endorsement, ang Healthy Family Purified Water noong Lunes, nahihiya na siyang humingi ng anuman dahil tuloy-tuloy ang pagdating ng biyaya sa kanyang buhay ngayon.

Pagkatapos ng kanyang Crazy Rich Asians project at bagamat wala siyang TV Network ngayon, naging maganda naman ang pagkakabuo niya sa Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) para sa kanyang web shows na regular na napapanood sa Facebook at YouTube.

Nagkaroon kasi siya ng 40 brand partner at endorsement, na posible pang madagdagan at nakatakda rin siyang gumawa ng exclusive horror project para sa internet TV service provider na iFlix.

Kaya imbes na humiling para sa kanyang kaarawan, ibabahagi pa niya ang blessings sa mga nangangailangan. Ito ay ang pagbabahagi ng ibabayad sa kanya ng kasalukuyang endorsement sa Greenbelt Chapel sa Makati.

Aniya, sinabi na niya ito kay Father Jun Sescon. “Sabi ko, ‘Thank you for praying for me continuously.’

“As you said… I don’t think it’s correct to be earning the kind of money I’m earning and not spreading it and not sharing it.

“Parang ano ‘yan, eh, I don’t think the blessing will continue if I was just being selfish about it.”

Giit pa ni Kris, “Sabi ko, that’s my birthday offering for them. That’s what makes it special, I think, because of these and everything good happening in my life, nadaragdagan

“So, yun, I really believe in giving back,” dagdag pa ni Kris.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …