DAHIL sa dami ng kapalpakan, baka mas mabuti ngang buwagin na lang ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at bumuo ng isang sentrong ahensiya.
Supposedly, ang dalawang ahensiya ay dapat na nakatutulong sa pagsasaayos ng mga problema sa sistema ng transporatasyon sa ating bansa.
Pero sa mga nagdaang panahon, lumalabas na ang dalawang nasabing ahensiya ay ‘pasanin’ na ng sambayanan at pinagmumulan ng iba’t ibang problema at backlog na hindi na nakatutulong sa national government.
Ilang taon na ba ang nakalilipas pero hindi pa rin nakapag-iisyu ng lisensiya ang LTO at plaka habang ang LTFRB naman ay walang ginawa kundi ang gumawa nang gumawa ng kuwarta para sa bulsa ng mga opisyal nilang gahaman gaya ng isang Bossing Tsuk-Tsak diyan?!
Hanggang sa kasalukuyan hindi pa naibibigay ng LTO ang mahigit sa 300,000 lisensiya sa buwan ng Pebrero at halos pitong milyong plaka.
Nakatuon din sila sa Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok campaign, para matanggal na umano ang mga bulok na sasakyan sa kalsada.
Pero hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na plano ang LTO at LTFRB para makatulong sa paglutas ng talamak na problema sa trapiko sa bansa na halos P6 bilyon kada araw ang malulugi sa ekonomiya kapag hindi naresolba hanggang 2030.
Kaya para kay Speaker Pantaleon Alvarez dapat nang buwagin ang dalawang ahensiya at itatag na lang ang central Land Transportation Authority sa ilalim ng House Bill 6776.
Pinagre-resign na rin niya si LTO chief Edgar Galvante kapag hindi pa naipamahagi ang license plate hanggang sa Disyembre.
‘Yung LTFRB official kaya na manyakol, Major Major na suwapang sa kuwarta para sa bossing niyang si Tsuk-Tsak; at isang nagpapatayo ng building sa Leyte hindi ba sila uutusan ni Speaker Alvarez na mag-resign?!
O baka naman mas maiging patalsikin na sila?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap