Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shy, walang kinalaman sa paglipat ni Xian

SI Shy Carlos ang sinasabing nagkumbinsi kay Xian Lim para lumipat sa Viva Artist Agency na nakakontrata rin doon. Noong nagkasama raw kasi sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ang dalawa ay naging close sila na naging dahilan para kumbinsihin ng una ang huli na lumipat na lang sa VAA.

Pero sa interview kay Shy ng Pep.ph,  nilinaw niya na wala siyang kinalalaman sa naging desisyon ni Xian na lumipat sa VAA.

“During the ‘MMK’ days, na-mention ko lang sa kanya, ‘Uy, bakit ‘di ka mag-Vi….” natatawang sabi ni Shy.

So, tinanong niya si Xian kung gusto nitong magpa-manage sa Viva?

“Hindi ko na maalala!” sagot ni Shy.

Nagkukuwentuhan sila ng mga nangyayari sa kanilang career?

“I mean, ganoon naman talaga ‘pag artista, ‘di ba? Napag-uusapan namin ‘yung mga situation ng mga bagay-bagay, about our management, kumusta ‘yung career… Kaya ko rin na-mention na, ‘O, bakit? Ganoon-ganoon!’”

Nagulat ba siya sa desisyon ni Xian o may idea na siya tungkol dito?

“Hindi niya ako sinabihan, pero narinig ko lang rin na, ‘O, magbi-Viva na pala si ano, ganyan!’ ‘Oh, nice…’”

Ngayong nasa iisang management na sina Shy at Xian, wish ng dalaga na makatrabaho ang ka-loveteam ni Kim Chiu.

’Yun nga, na sana ay makatrabaho ko siya. Na mas maraming projects na makasama ko siya at maraming projects for him.” 

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …