Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xian Lim, lumipat ng Viva; pero loyal pa rin sa ABS-CBN

PUMIRMA ng limang taong management contract ang aktor/singer na si Xian Lim sa Viva Artists Agency Inc.,(VAA) plus 10 picture contract.

Ito ang masayang ibinalita ni Boss Vic del Rosario, big boss ng Viva kahapon ng hapon sa pirmahan ng kontratang ginawa sa 7th flr ng Viva Ofc na dinaluhan din nina Veronique del Rosario at June Rufino.

Idinagdag pa ni Boss Vic, plano rin nila na makapag-record ng album si Xian dahil mahusay itong singer.

Inihayag pa ni Boss Vic na ang unang proyektong gagawin ni Xian sa kanila ay pelikulang pinagbibidahan ni Sarah Geronimo, ang Miss Granny. Gagampanan ni Xian ang isang music producer  na pinaka-love interest ni Sarah.

“Mag-uumpisa na siyang mag-shoot this week, this Thursday with direk Joyce Bernal,” sambit pa ng big boss ng Viva bukod pa sa nakapilang dalawang pelikula ng aktor.

Pagdating naman sa network, iginiit ni Xian na sa ABS-CBN pa rin siya. ”Loyal po ako kaya sa ABS-CBN pa rin ako,” ani Xian.

“Iyon ang kanyang preference (Kapamilya Network) at yoon din naman ang amin. And kasi komportable siya roon and andoon ang kanyang loveteam siyempre (Kim Chiu),” ani Boss Vic.

Kung ating matatandaan, nag-umpisa si Xian sa Star Magic taong 2009 at very grateful siya sa lahat ng naibigay nito. “Family ko sila at hindi ‘yun magbabago, sina Mr. M (Johnny Manahan), Ms Mariole (Alberto).

“Lumipat ako kasi I was given an opportunity to work with Sarah and James and I was very excited,” paliwanag ni Xian. “Kasi even from

Couple of years back, kapag tinatanong ako kung sino ang gusto kong makatrabaho siya talaga.

“And be able to work with Sarah, it’s a huge blessings. And also with James,” nakangiting paliwanag pa ng actor.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …