Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Tonette, nadesmaya; shooting ng JaDine, tuloy pa rin

NAGSALITA na si Direk Dan Villegas bilang producer sa himutok ng kanyang girlfriend na si Direk Antoinette Jadaone  sa pagkakansela ng shooting ng bagong pelikula nina James Reid at Nadine Lustre na Never Not Love You.

Ano ang comment niya sa napabalitang umano’y lasing si James kaya ‘di nakasipot ng shooting. Nikita umano si James sa isang bar.

Kung umiinom nga siya , eh ‘di uminom siya. Basta’t pumunta siya sa set namin,”deklara  ni Direk Dan nang makausap namin sa presscon ng Changing Partners na showing sa January 31.

Hindi naman sa artista, halimbawa, kung gusto mo mag-enjoy the night before, the next day work ka, pero kaya mo dalhin, who am I to judge you? ‘Di ba? Nagpakalasing ka the night before, pumarty ka, the next day, dumating ka on time, nag-work ka, nag-deliver ka. And I’m not even saying being an actor, ha, or being a cameraman, production designer… I don’t care about your life outside, ‘di ba? Trabaho ito at the end of the day. Pero, you deliver.

Gusto ko man kayo bigyan ng magandang ano … kasi ayoko mag-judge.Ayoko yung… poisoning the well, e, di ba?,”hirit pa ni Direk Dan.

Aminado siya na na-frustrate si Direk Tonet  sa nangyari. Sinabihan niya ito na sana ay hindi ito nag-post sa kanyang blog. Pero kung ‘yun ang nararamdaman ni Direk ay okey na rin na ilabas niya ang nasasaloob nito at stress. Sinusuportahan niya kung ano ang nararamdaman ng kanyang girlfriend.

Siyempre rin, imagine niyo din ‘yung pressure for a director, e! At the end of the day, karapatan niyang mapikon, di ba?” lahad pa niya

Habang isinusulat ito ay sinabi ni Direk Dan na tuloy pa rin ang shooting nila sa London. Umaasa rin siya na matuloy ito kahit may health problem si Nadine. Sabihin agad ni Nadine kung kakayanin ng kalusugan niya dahil nakakasa na sila.

Naidirehe ni Direk Dan ang JaDine ng ilang weeks sa On The Wings of Love at sa pilot ng Till I Met You sa Greece. Si Direk Tonet talaga ang naging regular na director ng JADINE sa dalawang serye na nabanggit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Andres Muhlach Bagets The Musical

Aga pinaiyak ni Andres;  Charlene, Mommy Elvie kinabahan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA-IBANG komento ang narinig namin sa pagbibida ni Andres Muhlach sa Bagets, The Musical. May …

Jordan Andres Omar Uddin Lance Reblando

Jordan, Omar, at Lance lakas ng kanilang henerasyon sa teatro

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGAGALING lahat. Ito ang nasabi namin matapos magparinig ng kanya-kanyang awitin …

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …