Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, maingat na (sa paghahanap ng BF)

TINANGGAP ni Judy Ann Santos ang Ang Dalawang Mrs. Reyes nang malamang si Angelica Panganiban ang makakasama sa pelikulang idinirehe ni Jun Robles Lana.

Bukod sa napakaganda ng project, kakaibang role ang kanyang ginampanan bilang Lianne. Iyon din ang pakiramdam ni Angelica na dream come-true na makatrabaho ang magaling na aktres.

“Sobra akong na-excite nang mabasa ang storyline at script, kakaiba sa lahat ng pelikulang nagawa ko. Nakilala ako sa drama, gusto ko naman bago ako mag-40, makagawa ako ng kakaibang pelikula. May mga ginawa ako na may asawa na ako. Challenging ‘yung role, hindi mo iisipin na may ganoon palang nangyayari, “ sambit ni Juday.

Inamin ni Judy Ann na may kaba factor siya sa eksena nila ni Angelica. ”Hasang-hasa na si Angelica sa comedy/drama. Natakot ako, after three days shooting medyo na-relax na ako pero kinausap ko ang production  kung okay ba? Maging si Direk Jun tinanong ko kung okay ba ‘yung eksenang kinunan. Ang dami talagang nabago, hindi maingay ‘yung crew, staff. Sabi ko nga sa sarili ko, panaginip ba ito? Nanibago ako, ganoon ako kawalan ng confident. Ako ‘yung bagong luma, makakasama mo ‘yung magagaling,” dugtong pa ng dramatic actress.

Reaction ni Angelica sa sinabi ni Judy Ann, ”Nakaka-flattered, noon bata ako pangarap kong makatrabaho si Juday. Nakikinig ako sa mga kuwento niya, starstruck ako sa kanya. Nakatatawa, marami ang nainggit sa akin na katrabaho ko si Judy Ann Santos. Sobrang saya ko dahil ako ang napili,” pagmamalaking pahayag ni Angge.

Dahil sa Ang Dalawang Mrs. Reyes, naging mag-bestie sina Juday at Angge. Hindi ipinagkaila ni Angelica na humihingi siya ng advice kay Judy Ann pagdating sa love. Suwerte siya sa career pero sa lovelife palpak. Naka-move-on na siya and she’s ready to go out for a date.

“This time, dapat magiging maingat na ako,” aniya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …