Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heaven Peralejo idol si Ms. Sylvia Sanchez!

AMINADO ang young actress na si Heaven Peralejo na sobra siyang natutuwa na makasama sa isang pelikula ang premyadong aktres na si Ms. Sylvia Sanchez. Isa si Heaven sa best friend ni Sofia Andres na anak naman ni Ms. Sylvia sa pelikulang  Mama’s Girl, na showing na ngayon.

Ayon kay Heaven, marami siyang natutuhan sa star ng Hanggang Saan.

Saad ni Heaven, “Masaya po kami sa shooting ng Mama’s Girl, si Ms. Sylvia po, ang dami ko pong natutuhan sa kanya! As in, super down to earth lang talaga siya and isa siya sa iniidolo ko sa industriya pagdating po sa aktingan. Dahil alam naman po nating lahat na magaling siyang aktres at award winning.”

Pang ilang movie mo na ang Mama’s Girl?

Tugon ni Heaven, “Bale, pangalawang movie ko pa lang po ito, sayang nga at hindi po ako nakasama sa promo pictorial kasi may out of town show ako that time.”

Nabanggit pa ng magandang talent ni katotong Ogie Diaz ang kasiyahan dahil start pa lang ng 2018 ay may movie na agad siyang ipalalabas. “Ay opo naman, sobrang happy! Kasi after Wansapanatym ay may movie naman agad. Kaya super thankful talaga ako na first month pa lang ng 2018 ay marami na pong blessings si Lord.”

Paano mo ide-describe ang Mama’s Girl and anong aral ang mapupulot sa movie? “Mama’s Girl is more of family and love kind of movie… and ang target namin po talaga is ‘yung magkaroon ng impact sa mga kabataan at sa mga magulang ang pelikulang ito.

“Ang aral na mapupulot sa movie…para sa akin ‘yung pagpapahalaga po sa time and i-appreciate ang lahat ng tao na nakapaligid sa inyo. Kasi po dapat talaga na binibigyan natin ng sapat na time o panahon natin ang mga mahal natin sa buhay.”

Ang Mama’s Girl ay Graded-A ng Cinema Evaluation Board (CEB), ito ay mula sa direksiyon ni Connie Macatuno at tinatampukan din nina Diego Loyzaga, Jameson Blake, Yana Asistio, Karen Reyes, Arlene Muhlach, Alan Paule, Alora Sasam, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …