SUGATAN ang tatlo katao habang 30 bahay ang natupok sa naganap na sunog sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa ulat ng pulisya, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagmula sa isang junk shop na puno ng “highly-combustible materials” o materyal na madaling masunog tulad ng plastik at diyaryo.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mabilis na kumalat ang apoy na nagresulta sa pagkatupok ng 30 bahay habang tatlong residente ang nasu-gatan. Samantala, umabot sa P200,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian sa insidente.
Pansamantalang na-nanatili ang mga nasunugan sa mga evacuation center.
(ED MORENO)