ILANG araw bago ang Pasko, muling ipinakita ng mga residente ng Las Piñas ang kanilang galing sa paggawa ng kahanga-hanga at naglalakihang parol para sa 12th Parol Festival na ngayo’y isa nang okasyon taon-taon sa siyudad na nilalahukan ng Las Piñeros.
Ang mga kalahok na parol sa festival ay yari sa recycled materials. Ito ay may sukat na 8 ft x 8 ft.
Sinimulan ni Sen. Cynthia A. Villar ang Parol Festival na kanyang brainchild noong siya ay congresswoman pa ng Las Piñas sa layuning patampukin ang industriya ng paggawa ng parol.
Binuo ang “Samahang Magpaparol ng Las Piñas” at itinatag ang Las Piñas Parol Center na nagsilbing training area sa lantern makers.
“I felt right at that time to help my constituents to provide them with the venue not only to showcase their talents but to also encourage residents, especially promising entrepreneurs, to venture into parol making which is a highly lucrative industry. And 12 years today, we have given birth to hundreds of creative parol makers in Las Piñas adding another revenue stream for our Las Piñas residents,” ani Villar.
Inihayag ni Villar na siya at ang kanyang pamilya ay palagiang inaabangan ang taunang festival at ang parol makers.
Kasama ang kanyang asawang si dating Senate President Manny Villar at anak na si Public Works Secretary Mark Villar, pinangunahan nila ang kasiyahang idinaos sa Villar SIPAG, na naka-display simula pa noong 1 Disyembre, ang mga parol ng 16 parol makers.
Ang parol maker na si Andrew Flores ang nag-uwi ng first prize na P20,000. (NIÑO ACLAN)