NAKIKISIMPATIYA tayo ngayon kay dating Senador Bong Revilla na hanggang ngayon ay detenido pa rin sa PNP Custodial Center.
Hindi gaya ng mga dati niyang kakosa na sina Senator Juan Ponce Enrile at ex-senator Jinggoy Estrada na pinayagan ng Sandiganbayan na magpiyansa kaya ngayon ay naglalamiyerda na sa Hong Kong.
Parang iba ang kumpas ng hustisya kina Tanda at Sexy kaysa kapalaran ni Pogi?!
E pareho naman ang mga kasong kinasasangkutan nila? Ang bilyones na pork barrel na ibinubulsa ni Janet Napoles!
Ganoon ba ‘yun?
Mukhang sa takbo ng mga pangyayari, e doon na naman sa Kampo Crame magpa-Pasko at magba-Bagong Taon ang esposo ni congresswoman Lani Mercado?!
Tsk tsk tsk…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap