Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
mabel cama

Suspek sa bank teller na ginahasa’t pinatay, arestado

ARESTADO ng pulisya nitong Linggo, ang pangunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 22-anyos bank teller sa Pasig City.

Kinilala ni Pasig police chief, Senior Supt. Orlando Yebra ang suspek na si Randy Oavenada, empleyado at residente sa isang abandonadong office building.

Tumugma aniya ang mga fingerprint ni Oave­nada sa mga sample sa cellphone na narekober malapit sa bangkay ng biktima, gayondin sa mismong katawan ng bank teller.

Nagpositibo rin sa paggamit ng droga ang suspek, dagdag ni Yebra.

Nasa kustodiya ng Pasig police si Oavenada habang pinaghahanap ang isa pang suspek sa insidente.

Magugunitang inihayag  ng pulisya na isang saksi ang huling nakakitang buhay sa biktimang si Mabel Cama habang kumakatok sa gate ng kanyang residential compound sa Ortigas Avenue Extension nitong 10 Nobyembre ng gabi. Ilang lalaki umano ang umaa­ligid noon sa biktima.

Nitong 12 Nobyembre, natagpuan ang halos hubad na bangkay ni Cama sa isang abandonadong office building, 40 metro ang layo mula sa kanyang bahay.

Ilang oras bago ito, may nagtangkang sumunog sa gusali, ngunit naapula ito ng mga residente. Walang residenteng pumasok sa gusali kaya inabot ng tanghali bago natagpuan ang bangkay ni Cama.

 (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …