Saturday , November 16 2024
road traffic accident

1 patay, 7 sugatan sa jeep vs motorsiklo

PATAY ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas gayondin ang anim pasahero ng isang jeep makaraan magbanggaan ang dalawang sasakyan sa lungsod ng San Juan, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang namatay na si Dominic Peñaflor, nasa hustong gulang, at nakatira sa Makati City. Siya ay na-sandwich ng pampasaherong jeepney at poste ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Samantala, sugatan ang kanyang backrider na si John Michael Peñaflor Valtar, gayondin ang anim pasahero ng jeep, na kinabibilangan ng dalawang bata at mag-asawa, pawang isinugod sa pagamutan.

Habang nakapiit sa himpilan ng pulisya  ang driver ng pampasaherong jeep na si Rodel Ventura, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries at damage to property.

Batay sa ulat ng San Juan City Police, dakong 3:30 am, nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Aurora Boulevard kanto ng G. Reyes Street sa Brgy. Salapan.

Binabagtas ng jeep ang kahabaan ng Aurora Boulevard nang pagsapit sa naturang lugar ay mahagip ang motorsiklo ni Peñaflor na noon ay nakapormang mag-U-turn.

Dahil sa bilis ng takbo ng pampasaherong jeep ay naka-ladkad ang motorsiklo hanggang tuluyang bumangga sa poste ng LRT-2, kaya naipit ang biktima, sa pagitan ng bumper ng jeep at ng LRT-2 post, na agad niyang ikinamatay. (ED MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *