PARA sa kaalaman ng mga bibisita sa Muntinlupa at sa mga residente ng lungsod, nagsimula na ang implementasyon ng smoking ban.
Ipinatutupad na ng Muntinlupa City ang Ordinance 17-072, nagbabawal sa paninigarilyo ng tobacco products at electronic nicotine delivery system katulad ng e-cigarette (vapes) o e-shi-sha, sa pampublikong mga lugar.
Arestado ang 16 katao sa Alabang area sa ipinatupad na Oplan Sita ng Muntinlupa Smoke Free Task Force (SFTF), sa pangunguna ng Muntinlupa City Police Station (MCPS), nitong 12 Oktubre 2017.
Sinabi ni MCPS Col. Marites Salvadora, ang first time offenders ay pagbabayarin ng P500 o dalawang oras na community service at maaaring maharap sa multa na hanggang P2,500 o walong oras na community service, at hanggang P5,000 o 14 oras na community service sa paglabag sa sales restriction and advertising ban.
Binalaan ni Salvadora ang mga lalabag na bayaran ang multa sa loob ng “five working days” o tatanggap ng karagdagang multa.
Sinabi ni Muntinlupa Public Information Officer Tez Navarro, ang operasyon ay simula pa lamang ng serye ng mga sorpresang inspeksiyon sa lungsod.
Ipinunto niyang ang deputized officers ay mag-iikot sa lungsod lalo sa business parks at transportations terminal upang manghuli ng mga lalabag sa ordinansa, mga residente man o bisita, na maninigarilyo sa pampublikong lugar o sa mga erya sa labas ng Designated Smoking Areas.
Hinikayat ni Mayor Jaime Fresnedi ang publiko na itigil na ang paninigarilyo at sinabing ipinasa ng city government ang local ordinance upang protektahan ang pampublikong kalusugan at upang matiyak ang kagalingan ng mga lokal mula sa masamang epekto ng paninigarilyo.
Para maisumbong ang mga indibidwal na maninigarilyo sa pampublikong mga lugar, maaaring komontak sa City Health Office sa 935-6824 o magpadala ng mensahe sa fb.com/officialmuntinlupacity.
(MANNY ALCALA)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …