“MOSTLY love stories kasi ang offer sa akin,” ani Aga Muhlach kung bakit medyo natagalan ang pagbabalik-paggawa niya ng pelikula.
Anim na taon pa lang hindi gumawa ng pelikula si Aga at kaya niya tinanggap ang Seven Sundays na idinirehe ni CathyGarcia-Molina na mapapanood na sa Oktubre 11 handog ng Star Cinema ay dahil ang concept nito ay family-centered movie.
“Na-move talaga ako noong binasa ko ang script nito,” giit pa ng aktor.. ”I wanted to do something.”
Makakasama ni Aga sa Seven Sundays sina Ronaldo Valdez, Cristine Reyes, Enrique Gil, at Dingdong Dantes.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio