Saturday , November 23 2024

Madame social media

KAHIT saang panig pala ng opisina ng BI ay usap-usapan ang ka-weirdo-han ng isang not so good employee na tadtad daw yata ng problema sa katawan lalo na sa pag-iisip.

Problema sa katawan?!

Bakit masebo ba siya?

Hahaha!

‘Di raw kasi kaaya-aya ang ugali nito dahil lahat daw ng nakikita sari-sari ang comment niya?!

Chosss!

Insecure na ‘ata ang tawag sa ganoong klase ng tao!

Kapag hindi raw nagustuhan ang isang bagay ay agad-agad na nagpo-post sa facebook at babatikusin ang sistema ng opisina o ‘di kaya naman ay pati mga kasama.

Para palang galit sa mundo ang peg?!

Bakit reyna kagandahan ba siya para magga-ganyan?

Lahat daw ng kanyang activities at mga “hanash,” sa FB niya isinisiwalat!

Nakerrrs!

Pabebe pala talaga!

Nagtataka raw ang marami kung bakit ganito ang way of thinking ni “ate girl” e kung tutuusin naman suwerte na nga siya at nariyan pa rin sa current post niya considering identified siya noon pa na nasa grupo ni pabebe-boy Miswa ‘este Mison!

Ang hilig-hilig pa nga raw mag-post na kontodo suporta siya sa current administration at maka-empleyado e alam naman ng section niya na siya si “reyna bukolera?!”

Muntik na nga raw siya natsugi sa opisinang ‘yan mula nang dumating ang bago nilang hepe!

‘Di raw kasi siya type nito dahil mambubukol nga?!

King-enuh!

At ‘wag ka, lahat ng activities niya everywhere ay talagang “flaunt-to-the-max” sa FB, e kung titingnan naman ang hitsura niya, EWWSSS?!

Hay nako!

Ewan ko ba kay “ate gurl” sumobra naman yata ang hangin sa katawan niya!

Mashuba nga kasi!

Sabi nga ng isang “beki” diyan sa main office, “wala siyang “K” ‘no?!

Hindi niya keri!

Para siyang si Doña Buding ‘no?!

Ask n’yo kaya si Madam Ursula kung kilala n’ya si “ate gurl?!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *