Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Dadalaw sa GF natagpuan sa morgue

BANGKAY na nang matagpuan sa morgue ng mga magulang ang 21-anyos anak na lalaki na nagpaalam gamit ang kanilang kotse na dadalaw sa kasinta-han, sa Teresa, Rizal kamakalawa.

Sa ulat ng Rizal PNP, kinilala ang biktimang si Jimwell Ca-rigma, tricycle driver, at naka-tira sa Brgy. San Guillermo sa bayan ng Morong, lalawigan ng Rizal.

Sa pahayag ng ama na si Ronald Carigma, dakong 5:00 pm nitong Lunes, sinabi ng biktima na gagamitin niya ang pulang kotse upang dalawin ang nobya sa Teresa, Rizal.

Ngunit lumipas ang magdamag ay hindi umuwi ang biktima kaya’t nagpasya ang mga magulang na ipa-blotter sa pulisya ang insidente at sa kanilang paghahanap ay natagpuan nila ang anak sa isang morgue sa Antipolo City

Tadtad ng tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ng biktima at may mga pasa, palatandaan na nanlaban sa mga suspek.

Habang ang kotse ay natagpuan sa Teresa Police Station na tadtad din ng tama ng bala at basag ang salamin sa unahang bahagi at may mga yapak ng paa ang mga upuan nito.

Isang saksi ang hawak ngayon ng pulisya, sinasabing nakakita sa tatlong lalaking pawang naka-bonnet at mga armado ng baril habang sakay ng isang kulay silver na kotse, na humarang sa sasakyan ng biktima.

Sinabi ng saksi, bumaba ang tatlong lalaki mula sa kanilang sasakyan at pilit hinatak palabas ang biktima mula sa kotse.
Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …