Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Congresswoman nag-beast mode sa Plenaryo

THE WHO si congresswoman na kapag tumataas ang blood pressure ay nalilimutan yata na siya ay honorable o kagalang-galang.

Itago na lang natin sa pangalang “Sobrang Talakera” or in short “ST” si madam congresswoman, kasi naman wala siyang pakialam sa tao kahit na marinig at makita ang mala-rapidong bunganga kapag nagagalit.

Hik hik hik hik…

Ayon sa ating Hunyango, bumula raw ang bibig ni congresswoman at pinagdiskitahan ang mga staff niya na nasa gallery ng plenaryo sa Kamara dahil hindi nagustuhan ang naging takbo ng hearing na  kanyang dinaluhan.

Har har har har har har!

Ano ba ‘yan!

Bulong sa atin, bigla raw kasing tinapos ni Deputy Speaker ang budget hearing na nasa 2nd reading na samantala umeepal pa ‘este, umaapela pa si congresswoman pero hindi na pinakinggan pa ang kanyang argumento.

Ang nangyari nga, biglang nagsisisigaw sa plenaryo at nagalit nang husto sa kanyang mga staff si congresswoman dahil mali raw ang itinuro sa kanya!

Nasisi pa tuloy, kasi naman dinedma n’yo e.

Habang nagaganap ang pagputak ni Madam ST sa kanyang mga staff, may isang abogada na nakasaksi sa eksena at kinuhaan daw ng video ang pag-aalboroto  ni Madam Mambabatas.

Isa sa staff ni Madam ST ang bumulong sa kanya na kinukuhaan siya ng video kung kaya’t biglang binago ang pagiging ‘beast mode’ sabay lapit sa abogada at kinompronta kung  kinukuhaaan nga ba siya pero itinanggi nito.

Sa kagustuhan na masigurong ‘di nga siya kinukuhaan aba’y nagpumilit pa si Congresswoman na makita ang cellphone ni abogada na nanindigang ‘wag  ipakita sa kanya.

‘Yon lang pahiya si Ate.

Ma’am nalilimutan mo yatam pag-aari niya iyon.

Napag-alaman pa natin na marami na raw kakatwang eksena ang ginagawa ni Madam sa Kamara kung kaya’t pinagtatawananan siya ng kanyang mga kabaro.

Heto lang ang maipapayo ko sa iyo congresswoaman… Tantanan mo na ang ganyang style! Tantantantantananan mo na!

Para ‘wag magmukhaang comedy bar ang Kamara.

Ngak ngak ngak ngak ngak!

Kilalaninin kung sino si Madam Sobrang Talakera!

****

Siya nga pala nais kong batiin ang magigiting at masisipag na mga nurse at staff ng Padre Pio hemodialysis center lalo na kina Aeron Cruz at Rochelle Dela Cruz mabuhay kayo!

THE WHO? SCANDAL
ni Jethro Sinocruz



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …