Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
rape

‘Yuppie’ nireyp ninakawan ng katagay (Nakilala sa gimikan)


DALAWANG
beses nang ginahasa, ninakawan pa ang isang 29-anyos young professional (yuppie) ng isang lalaking nakilala sa gimikan sa Antipolo City, kamakalawa ng madaling-araw.

Tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Mike Guzman, 25- anyos, nakatira sa Volleygolf Subd., Brgy. Mambugan, sa nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jasmine Menor, unang nangyari ang panghahalay sa biktimang si “Rodora” sa Sunset View Castle Hotel sa Sumulong Hi-way dakong 4:00 am, at ang pangalawa ay dakong 4:50 am sa madilim na lugar ng Valley Golf Course and Country Club sa Don Celso Tuazon Ave., ng nabanggit na lungsod. Sa salaysay ng biktima, hindi siya nakapalag sa suspek dahil sa takot at sa banta na siya ay papatayin. Nauna rito, uminom ang biktima kasama ang mga kaibigan sa Wilson St., San Juan, Metro Manila at dito niya nakilala ang suspek.

Payo aniya ng kanyang mga kaibigan, sumabay na siya sa suspek dahil pareho silang taga-Antipolo. “Oy taga-Antipolo rin ito sabay ka na sa kanya.” Bunsod ng kalasingan, pumayag ang biktima at magkasabay silang nagtungo sa Antipolo sa paniwalang ihahatid siya ng suspek sa kanilang bahay.

Ngunit dinala ng suspek ang biktima sa nabanggit na hotel at ginahasa.

Hindi pa nakontento, muli siyang ginahasa ng suspek sa madilim na lugar ng Valley Golf Course and Country Club sa Don Celso Tuazon Avenue.

Gayonman, bago iniwan ng suspek ang lupaypay na bikima ay kinuha ang kanyang iPhone 7 na nagkakahalaga ng P40,000. (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …