UMABOT sa mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan masunog ang isang residential area sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Mandaluyong City Fire Marshall C/Insp. Ro-berto Samillano, Jr., dakong 1:30 am nang magsimula ang sunog sa Block 37, Brgy. Additionhills ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman, nagsimula ang apoy sa inuupahang bahay ng isang nagngangalang “Joy” na pag-aari ni Jaime Ignacio.
Sa imbestigasyon, ginawang imbakan ng junk materials ang nasabing paupahang bahay. Dahil gawa sa light materials ang kabahayan, mabilis na kumalat ang apoy.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naapula ng mga bombero makalipas ang dalawang oras.
Umabot sa 60 bahay ang natupok ng apoy at tinata-yang aabot sa P200,000 halaga ng mga ari-arian ang naabo, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Mandalu-yong City.
Walang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente. Ang mga apektado ng sunog ay pansamantalang nanunuluyan sa basketball court sa lugar. (ED MORENO)