Monday , December 23 2024

Little Big Shots ni Billy, nakaka-wow! sa ganda

NAPANGITI, napahalakhak, napabilib, napaluha, at napa-wow! ang ilang invited entertainment press na nakapanood sa pilot episode ng bagong reality show na Little Big Shots na iho-host ni Billy Crawford at mapapanood na sa Sabado, Agosto 12 at Linggo, Agosto 13.

Una naming napanood si Alyssa, 9, Pole Dancer at natuto ng pole dancing sa edad na 4 na napangiti kami dahil sa murang edad ay alam na niya ang gustong gawin sa buhay at posibleng maging propesyon pa niya ito pagdating ng araw.

Ayon sa nanay ni Alyssa, nagulat siya nang makita niya ang anak na umaakyat sa tubong nakita sa covered court na una niyang sinita dahil baka kung anong mangyari.

Itong si Rodzen, 3, super cute at bibo at nakasuot pa ng diaper ay napahalakhak talaga ang lahat dahil sa kakulitan na sobrang crush ang batang aktres na si Zia Vigor.

Kaya naman noong lumabas ng entablado si Zia ay natulala si Rodzen at sabay kindat at sa tuwing maririnig ang awiting One Call Away ni Charlie Puth ay hindi mapigilang hindi sabayan ng bagets at pati ang pagsayaw ng Ang Kulit na unang sinayaw ni Onyok.



Napabilib naman ang lahat kay Janice, 5, marunong nang magtanggal ng tinik ng isda simula sa edad na 3 na gamit ang sariling kutsilyo at chopping board.

Kuwento ng magulang ng bagets, napapanood sila ng anak kapag naglilinis sila ng isda at nagtatanggal ng tinik kaya ginagaya sila hanggang sa matutuhan na niya ito.

Napaluha o naging emosyon ang iba sa kuwento ng buhay ng bagong FMD Jr. hip-hop dancer na si JM Javier sa edad na 9 na lumaki sa tiyahin na ipinagkatiwala ng magulang. At dala siguro ng kalungkutan ay naghanap ang bata ng makapagpapasaya sa kanya at nakilala niya ang grupong FMD Jr Dance group na nagturo sa kanya ng dance moves. Walang takot sa mga tumbling-tumbling ang bagong miyembro ng grupo.

At ang panghuli ay si Zidane Klyde Rosario Torregoza, 3, at naka-diaper din na talagang napa-wow ang lahat dahil sa murang edad ay saulo na ang Geography. Walang bandila ng bawat bansa ang hindi alam ni Klyde.

Inamin ng ina ni Klyde na may sariling world map sa sariling kuwarto at ang mga nilalaro ay geography puzzles kaya naman si Billy ay manghang-mangha rin sa ipinakitang galing nito.

Mas magandang mapanood ito ng lahat sa Sabado at Linggo kapalid ng The Voice Teen.

Sa pagkapili kay Billy
IT’S NOT
A COMPETITION
AS A HOST

SAMANTALA, natanong ang host na si Billy kung paano niya nakuha ang loob ng mga bagets, considering na sila ang pinakamahirap katrabaho.

“Actually po, hindi ko po inisip kung makukuha ko ang (hosting job), to be honest, I’ve just found out about the show (Little Big Shot) recently lang from the States, ‘yung kay Steve Harvey.

“Sa totoo lang, hindi ko po alam kung bakit napunta sa akin, the best thing I can say is, I’m really thankful. For me, it’s not a competition sa host kasi hindi po ‘yung host ang pinaka-importante po rito, ang title ay ‘Little Big Shots’, ang mga bida po rito ay ang mga kabataan.

“It was a challenging role for me to play kasi I’ve would expect like si Steve Harvey or the other hosts sa ibang bansa, parents na po sila, eh. So ‘yun po ‘yung nagpa-nerbiyos sa akin kasi wala pa akong anak, mahilig ako sa mga bata, obviously, fiancée ko is 10 years’ younger, pero mahilig po akong makipaglaro sa mga bata and I don’t know, I guess talagang bigay na ni Lord ito sa akin and I really couldn’t ask for more and I’m so-so happy to have this job,” bungad ng TV host/actor.



OGIE,
NAGPAHAYAG
NG SUPORTA

NANG makatsikahan si Billy pagkatapos ng Q and A ay natanong siya kung alam niyang dalawa silang nag-audition ni Ogie Alcasid at nagkaroon pa ito ng isyu dahil naunang nabalita na ang huli na ang napili kaya takang-taka kung paano napunta sa fiancé ni Coleen Garcia ang programa.

“Hindi ko po alam, kasi pareho po kaming nag-audition pero hindi ko nakita, I think one day ahead si kuya Ogie sa akin. Sinabi lang ni Sir Louie (Andrada) ‘yung sa akin na ako nga ang napili.

“To be honest, hindi ko alam na sabay kaming nag-audition kasi sabi lang sa akin ni sir Louie (inayunan ng TV executive), ‘mag-audition ka, may bagong programa ganito-ganyan.’ Wala talaga akong alam kasi binigyan lang ako ng spiels bahala na ako kung anong gagawin ko sa mga bata.

“At si kuya Ogie, wala akong masabi kasi noong in-announce na nila sa akin na napunta sa akin ‘yung programa, ang unang nag-text sa akin, si kuya Ogie.

“Sabi niya (Ogie), ‘bro, I’m happy for you, I’m proud of you, I will always be right here behind you anytime you need me. Kasi si kuya Ogie, simula bata pa naman ako kilala ko na si kuya Ogie, it’s nothing about competition talaga. ‘Yun nga, I’m still shock na napunta nga sa akin, pero wala akong masabi kay kuya Ogie,” paliwanag mabuti ng TV host/actor.

Tatlong bata ang kasama ni Billy sa set at mga staff ng LBS noong isinagawa ang audition at walang management from abroad kasi binidyuhan ‘yung audition tapos ipinadala sa Warner Brothers.

Ani Billy, “it’s an audition, whether you get it or you don’t. Regardless kung ano ‘yun, I just tried my best, I just tried to do it all.”

Sa tanong kung kailangan pa bang kabahan si Billy, eh, rito lang sa Pilipinas ginawa ang audition.

“Huwag nating ila-lang ang Pilipinas, tayo ang pinaka-judgemental, tayo ang pinaka-mataray pagdating sa comments or what. We have something to say mga Pinoy so kaya ako na-nerbiyos.

“But I was nervous actually dealing with kids kasi ‘yung Face Kids (Your Sounds Familiar) mga propesyonal na bata o singers o performers, 90% they’re all have their own albums or winners. Itong mga batang (LBS) ito, were strangers to me, so kailangan ko silang kilalanin, that was the hardest part, doon ako ninerbiyos, kasi paano ako makakakonek sa mga bata.”

Abot-abot ang pasalamat ni Billy sa buong team ng Little Big Shots dahil sila ang nag-research tungkol sa kids at talagang inalalayan siya during the tapings na magsisimula ng 8:00 a.m. at magtatapos ng 7:00 p.m.



Sa mga batang napipili sa LBS
IT’S NOT THE MONETARY
THING, KUNDI
‘YUNG MAGING PROUD

UMEERE na sa 15 countries ang LBS at hindi ito pakontes pero may benepisyo naman silang matatanggap ayon sa Business Unit Head ng programang si Louie Andrada.

“Of course we will give them (kids) something at habang naghahanap kami ng talented kids at kausap namin ang mga magulang, iisa lang naman talaga ang sinasabi nila, ‘we want to make our family proud’; ‘we want our parents to be proud of us,’ so ‘yun lang, sapat na sa kanila.

“At ang maganda kasi rito (LBS), ‘yung entire franchise niya sa buong mundo, kapag nagustuhan sila (kids), papupuntahin sila sa ibang bansa.

“Like for example si Ella Nympha (TVK), ‘di ba nagustuhan siya sa Amerika, now si Ella, pupunta na ng Israel at Spain. ‘Yung nai-tape naming episodes, mayroon na roon tatlong napili kasi noong nagte-taping kami, nandito ‘yung consultant ng Warner (Bros), nag-a-identify na siya na ‘we want this kids for US’ so ganoon,” paliwanag ng bossing ng programa.

Dagdag pa, “It’s not the monetary thing, kundi ‘yung maging proud ang parents ng mga bata,” saad pa ni Louie.

FACT SHEETReggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *