Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kabataan pag-asa ng bayan

 

SA WAKAS, isang ganap na batas na ang libreng tuition sa state universities at mga kolehiyo. Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Universal Access to Quality Tertiary Education at hindi pakinggan ang suhestiyon ng kanyang Budget secretary na si Benjamin Diokno na i-veto ito dahil sa pangambang walang ipangtutustos ang pamahalaan sa programa.

Tiwala ang pangulo na dapat talagang mag-invest ang gobyerno sa edukasyon ng mga kabataan dahil sila ang susunod na mga lider na huhubog ng kinabukasan ng bansa.

Salamat dahil malaki ang pagpapahalaga ng pangulo sa edukasyon ng ating mga kabataan, lalo sa mahihirap ngunit ganoon na lang ang paghahangad na makatapos ng pag-aaral at gumanda ang kinabukasan.

Ang problema na lang ngayon ay kung sino ba talaga ang dapat makinabang sa programang ito. Naniniwala tayo na dapat pagtuunan talaga ng pansin dito ay mga kabataan, na sa kabila ng kahirapan ay may angking kakayanan at talino na tapusin ang piniling kurso.

Kaya nga, isang malaking hamon ito sa mga magulang at estudyante na mabibiyaan ng libreng tuition. Isang malaking sakripisyo ito at obligasyon na tugunan ang requirement na mapanatili ang magandang grado at matapos ang kanilang kurso at maging isang responsable, kapaki-pakinabang at karapat-dapat na mamamayan ng bansa.

At sa pagkakataong ito, ang mailap na kasabihang “ang kabataan ay pag-asa ng bayan,” ngayon ay maaaring maging makatotohanan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …