Friday , July 25 2025

Ex-editor, utol binistay ng ‘hired killer’


PATAY ang dating editor ng Business World na kasalukuyang consultant ng Department of Finance, at kapatid niyang negosyante, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem habang sakay ng kotse sa San Juan City, kamakalawa.

Kinilala ni EPD director, C/Supt. Romulo Sapitula, ang mga biktimang sina Michael Marasigan, dating editor ng Business World na kasalukuyang consultant ng DoF, at kapatid niyang negosyante na si Christopher.

Sa ulat ni S/Supt. Lawrence Coop, chief of police ng San Juan PNP, dakong 6:00 pm kamakalawa nang pagbabarilin ang magkapatid habang sakay ng metallic gray na CC5 Mazda (PN WOU-583) sa kanto ng V. Cruz at Barcelona streets, Brgy. Sta. Lucia, sa lungsod.

Nakuha sa crime scene ang 34 basyo ng bala, apat dito ay mula sa caliber .45, habang ang 30 basyo mula sa 9mm pistol.

Pagkaraan ng insidente, tumakas ang mga suspek na hinihinalang professional hired killer base sa estilo nang pamamaril sa mga biktima, sakay ng motorsiklong walang plaka, at kapwa naka-bonnet ang mukha.

Hindi pa tiyak ng mga awtoridad ang motibo sa insidente na masusing iniimbestigahan.

ni ED MORENO

ARCHITECT
ITINUMBA
SA MAKATI

BINAWIAN ng buhay ang isang architect makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Rodel Mallari, 48, may asawa, residente sa 2196 F. Zobel St., San Miguel Village, ng nasabing lungsod.

Sa ulat na nakarating sa Southern Police District (SPD), nangyari ang pamamaril sa Gil Puyat Avenue, Brgy. San Isidro, Makati City, dakong 8:00 pm

Minamaneho ni Mallari ang kanyang gray Toyota Vios (NXI-128) nang harangin ng isang motorsiklong sakay ang dalawang armadong lalaki.

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril saka niratrat ng bala ang biktima.

Makaraan ang pamamaril, tumakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksiyon.

Masusing sinisiyasat ng Makati City Police ang posibleng motibo sa pagpaslang sa biktima.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …

DOST Region 1 takes part in the Negosyo Learning Series 2025 in La Union

DOST Region 1 takes part in the Negosyo Learning Series 2025 in La Union

THE Department of Science and Technology (DOST) Region I proudly took part in the Negosyo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *