Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Party-list system nais nang lusawin ng pangulo

BAGAMA’T lehislatura ang may karapatang buwagin ang party-list system sa pamamagitan ng pag-amyenda sa 1987 Constitution, nais ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na sa kanyang administrasyon tuluyang lusawin ito.

Ayos ‘yan.

Nabubuwisit na kasi ang Pangulo dahil sa ‘binaboy’ at ‘sinalaulang’ party-list system na umiiral ngayon.

Opo. Para sa pangulo binaboy at sinalaula ang party-list system na umiiral ngayon at hindi na ito nagsisilbi sa orihinal na layunin na direktang magkaroon ng boses at representasyon sa Kongreso ang marginalized sectors.

Kung ang mga regular na mambabatas ay kinatawan ng kanilang mga distrito mula sa iba’t ibang lungsod, bayan at lalawigan, ang party-list representatives ay kinatawan naman ng mga tinutukoy na ‘marginalized sectors’ gaya ng manggagawa, magsasaka, anakpawis o maralitang lungsod, public sector employee, kabataan at propesyonal.

‘Yan lang naman ang alam nating regular na sektor, sige idagdag natin ‘yung sub-sector na senior citizens, at persons with disability (PWD) na mayroon talagang espesyal na pangangailangan, pero maliban sa mga nabanggit sa itaas, wala na tayong alam na iba pang sektor na mga nakaluklok ngayon bilang party-list — gaya ng LPGMA, security guards, 1-Pacman, at iba pang nagsasabi na sila ay kinatawan ng marginalized sector.

Hello?!

Kailan pa naging marginalized ang mga ne-gosyanteng nagbebenta ng petroleum products na hindi nga makontrol ng gobyerno ang pres-yo!? Ang 1-Pacman na party-list umano ng mga sportsman at mga atleta na ang representative ay may-ari ng mga koponan ng basketball at nagbabayad nang milyon-milyon sa kanilang players.

Paano nga naman tatawaging marginalized sector ‘yan?!

Ibig sabihin, ‘yung mga angkan din ng nakaupong mga politiko ang nakikinabang sa party-list system dahil may boto na sila sa kanilang lalawigan.

Nais isakatuparan ni Pangulong Digong ang paglusaw sa party-list system sa pamamagitan ng constitutional assembly dahil ang constitutional convention ay masyadong magastos.

Maging si Senator Panfilo Lacson ay sang-ayon sa nais mangyari ng Pangulo dahil hindi na nga naman naglilingkod sa tunay na layunin kung bakit binuo ang party-list system.

Sabi ng Senador, “… the system had been bastardized.”

Sa ganang atin, nang pasukin ng ‘political dynasty’ representatives ang party-list system, dapat noon pa ay nilusaw na ‘yan.

Isa tayo sa mga naniniwala na kapag nilusaw ang party-list system, dapat na rin aprubahan ang anti-political dynasty bill.

Aprub po tayo riyan!

C/INSP. JOVIE ESPENIDO
DAPAT ITALAGA
SA METRO MANILA!

TAPAT sa tungkulin at buo ang loob, naniniwalang dapat nang tuluyang wakasan ang pamamayagpag ng sindikato ng ilegal na droga sa bansa, kaya maging ang inyong lingkod ay kombinsido na si Chief Inspector Jovie Espenido ay mas dapat na italaga sa Metro Manila, lalo sa Maynila.

Nakita niyo naman, lahat nang malalaking huli sa illegal na droga sa Maynila ay trabaho ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) ang nakasasakote.

Bakit kaya? Mahina ba ang Intel ng Manila Police District (MPD) o malakas lang sa pang-iintelihensiya?

Sa Metro Manila mas nararapat ang gaya ni Major Espenido, lalo’t hindi matapos-tapos at matakot-takot ang mga ‘kinatawan’ at ‘lider’ ng ilegal na droga sa bansa.

Sabi nga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, hindi siya titigil hangga’t hindi nauubos ang kahuli-hulihang sindikato ng ilegal na droga na nag-o-operate sa bansa.

Mga suki, si Major Espenido rin ang hepe ng pulisya sa Albuera, Leyte, ang bayan ng napaslang na si Mayor Rolando Espinosa.

Pero matapos ang insidente, inilipat si Espenido sa Ozamiz City.

Sa kamay ni Espenido, ‘nagwakas’ ang pamamayagpag ng mga Parojinog.

Sa pagharap sa media, kakikitaan ang mukha ni Major Espenido na hindi siya puwedeng sindakin ng mga pagbabanta at pananakot.

Para sa kanya, ang paglilingkod sa bayan, ay mas malaking salik para huwag matakot sa mga ilegalista.

Aba, kung ganyan ang katuwiran ni Major Espenido, masasabi nating dito siya nababagay sa Metro Manila lalo na sa Maynila upang makatulong kung paano wawakasan ang pamamayagpag ng sindikato ng ilegal droga.

PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa Sir, pakinggan po ninyo ang hinaing ng mga taga-Metro Manila lalo ng mga taga-Maynila.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *