Saturday , November 16 2024
gun shot

Sinibak na hepe ng Binangonan PNP sugatan sa ambush

 

NILALAPATAN ng lunas sa ospital ang dating chief of police ng Binangonan PNP, makaraan tambangan habang papasok sa trabaho sa Antipolo City, kahapon ng umaga.

Sa ulat kay S/Supt. Albert Ocon, Rizal PNP provincial director, kinilala ang biktimang si Supt. Noel Verzosa, kasalukuyang nakatalaga sa personnel division ng PNP Region-IV (Camp Vicente Lim) Laguna.

Sa imbestigasyon, dakong 7:00 am nagkakarga sa gasoline station si Verzosa sa Siyete Medya St., sa lungsod nang bigla siyang pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Ang biktimang tinamaan ng bala sa kaliwang braso ay agad nakahingi ng saklolo kaya agad siyang naisugod sa pagamutan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklong walang plaka nang mag-panic ang mga taong nakasaksi sa insidente.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang awtoridad para mabatid ang motibo ng pamamaril at matukoy ang armadong mga suspek.

(ED MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *