Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malacañang nagpaliwanag sa Kamara (Sa Martial law extention)

 

NAGBIBIGAY ng pahayag si Defense Secretary Delfin Lorenzana pagkatapos ng kanilang pulong tungkol sa pagpapalawig ng martial law sa Min-danao, sa Senado kahapon, habang palabas ang ilang opisyal ng AFP makaraan ang nasabing pagpupulong.
(MANNY MARCELO)

ISINUMITE na sa Kamara ang liham ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpapalawig ng batas militar.

Ikinatuwiran sa liham na nanatili pa rin ang rebelyon sa Mindanao base sa assessment ng Pangulo, na una nang inirekomenda sa kanya ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa nasabing liham, hindi lamang Maute terror group ang nais i-neutralize ng gobyerno kundi maging ang iba pang Maute-ASG-BIFF inspired group ay dapat tugisin.

Inamin ng gobyerno na apat barangay pa sa Marawi ang kontrolado ng mga rebelde na patuloy sa pagmamatigas.

Bukod dito, sa 279 aarestohin ay nasa 12 lamang ang nadadakip ng militar kung kaya’t napakarami pa ang dapat habulin ng gobyerno.

Base sa ulat, nanatiling at-large ang mga lider ng teroristang grupo na sina ASG leader Isnilon Hapilon, ang Maute brothers na sina Abdullah, Omarkhayam at Abdulasiz, at ang dayuhang terorista na si Mahmud Bin Ahmad.

Mayroon natanggap na impormasyon ng pag-atake sa Basilan, Cagayan de Oro, General Santos City, Zamboanga at Lanao del Norte.

Dahil dito, hiniling ng Pangulo sa Kongreso na palawigin hanggang sa pagtatapos ng taon ang martial law gayondin ang suspensiyon sa writ of habeas corpus.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …