ABOGADO ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang bagong miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Itinalaga kahapon ni Duterte si Raul Lambino bilang administrator at chief executive officer ng Cagayan Economic Zone Authority, isang puwesto na may cabinet rank.
Si Lambino ang na-ging tagapagsalita ni Arroyo habang nasa hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center noong administrasyong Aquino.
Habang si ret. Major General Eduardo del Rosario ang hinirang na chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council kapalit ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco, Jr., na pansamantalang humalili bilang housing czar nang magbitiw si Vice President Leni Robredo. (ROSE NOVENARIO)