TILA mga turistang ipinakita ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa media ang magiging kulungan ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at tatlong mahistrado ng Court of Appeals kapag ipinaaresto sila ng Kamara.
Unang ipinakita ni Pimentel ang para kay Marcos kasunod ang inihandang detention room ng tatlong justices ng Court of Appeals na posibleng ma-contempt sakaling hindi tumugon sa show cause order ng komite.
Matatandaan, hinihingian ng paliwanag ang tatlong CA justices kaugnay sa pag-isyu nila ng release order sa “Ilocos 6” na ibinasura ng Kamara dahil wala anilang hurisdiksiyon ang korte sa u-sapin.
Kasabay nito na-nawagan si Pimentel kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na tigilan ang pagpapayo kay Gov. Imee na huwag sumipot sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa 25 Hulyo.
Kasabay nito, nakiusap din si Pimentel sa Gobernadora na dumalo sa nabanggit na pagdinig makaraan hainan ng warrant of arrest upang huwag nang umabot sa pagdedetine sa kanya.
Ani Pimentel, hindi magdadalawang isip na ikulong ng komite si Marcos kapag siya ay na-contempt dahil sa ‘di niya pagdalo sa pagdinig.
“Again, I am appealing to Governor Marcos, please attend the hearing para matapos na rin ang hearing na ito,” pakiusap ni Pimentel.
Una nang sinabi ni Governor Marcos, handa siyang humarap sa pagdinig ngunit pinayohan siya ng nakababatang kapatid na huwag dumalo.
(JETHRO SINOCRUZ)
CJ SERENO
POSIBLENG
I-IMPEACH
PINAG-AARALAN ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ipa-impeach si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sakaling totoo ang naging utos niya sa tatlong CA justices na huwag tumugon sa show cause order ng Kamara.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, hindi malayong sampahan ng impeachment complaint ng Kamara si Sereno sa oras na totoo ang utos niya sa tatlong mahistrado.
“He (Alvarez) is still contemplating. We still have to verify whether she really issued an order to the CA Justices to defy the show cause order,” ayon kay Pimentel.
Nagkasundo ang Komite na ipatawag sina CA Associate Justices Stephen Cruz, Edwin Sorongon at Nina Antonino-Valenzuela ng CA 4th Division, dahil sa pagpapalabas ng provisional release order sa “Ilocos 6” na nananatiling naka-de-tine sa Batasan Complex.
Ang “Ilocos 6” ay sina provincial treasurer officers Genedine Jambaro, Encarnacion Gaors at Josephine Calajate, Ilocos Norte accountant IV Eden Battulayan, bids and awards committee (BAC) chairman, Engr. Pedro Agcaoili, at Ilocos Norte provincial budget officer Evangeline Tabulog.
(JETHRO SINOCRUZ)