Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
the who

MRO ng kagawaran nag-resign sa kabastusan ni Mr. Secretary?

THE WHO si Cabinet Secretary na dahil daw sa ‘di mapigilang panggigigil kaya nilayasan siya ng kanyang Media Relation Officer (MRO)?

Itago na lang natin sa pangalang “Ang Tan-ders” or in short AT si Mr. Secretary dahil may katandaan na siya pero ‘wag ka ha, dahil gaya ng tandang ay nakukuha pang kumikig kahit sa salita lang siguro.

Ayon sa ating Hunyango, keber ni Mr. Secretary  kung may makarinig at makakita sa gagawin niya basta maibulalas lang ang kanyang matagal na sigurong itinatagong  pagnanasa!

Wahahahaha!

Minsan umano nang pumasok si Sir at ganadong-ganadong magtrabaho yata, napansin niya ang kanyang isang staff na wala sa ayos ang pagkakakabit ng Identification card na nasa dibdib.

Sa harapan ng iba pang empleyado ng Kagawaran at ng MRO ni AT, tinawag niya ang kanyang staff na mala-diyosa raw ang peg sabay sinita sa pagsasabing ayusin mo ang ID mo.

Ayos naman sana ang paninita ni Kalihim pero ang masakit may pahabol pa siya sa kanayng staff sa pagsasabing… “at saka ang laki-laki ng boobs mo!”

Kurimaw na matanda! Ehek na kalihim.

Pati boobs pinakialaman mo pa!

Damuho!

Dahil sa pangyayari at sa takot na rin daw ni MRO na baka siya ang sumunod na mabastos o baka may magawa pa sa kanyang mas matindi si AT kaya agad-agad siyang nag-resign.

Tama ‘yon Madam MRO dahil baka mapariwara ka pa kay Sir!

E sa totoo lang maganda si Madam MRO, ang kaso may asawa na, mahirap naman mayurakan pa ang pagkatao niya ‘di ba?

Kilalanin kung sino si Mr. Secretary na kamag-anak yata ni Manyakol!

Monitor!

THE WHO? Scandal – ni Jethro  Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …