WALANG naganap na hacking at terrorism sa BPI at BDO glitch.
Ito ang sinabi ni Senador Francis “Chiz” Escudero, chairman ng Senate Committee on Banks, Financial Institutes and Currencies/Finance, makaraan ang imbestigasyon sa napaulat na pagkakabawas at pagkakadagdag sa account ng ilan sa kani-kanilang depositors.
Ayon kay Escudero, napatunayan nila sa pagdinig na kaya nilang tiyakin sa publiko na walang dapat ipangamba ang mga customer at depositor ng mga naturang banko.
Napag-alaman ni Escudero, human error ang naganap sa panig ng BPI kung kaya’t nagalaw ang system nito.
Tinukoy ni Escudero, walang intensiyon ang may sala dahil wala si-yang kinabibilangang grupo o hindi miyembo ng mga hacker at siya ay ga-ling sa isang kilalang paaralan at nagtapos nang mayroong kara-ngalan.
Samantala sa BDO, sinabi ni Escudero, ito ay pakana ng mga sindikatong gumagawa ng scam o gumagamit ng skiming devices sa ATM machines.
Ang nangyari sa BDO ay nangyayari rin aniya sa iba pang mga customer ng ibang banko na biktima rin ng mga mahilig magnakaw.
Kaugnay nito, sinabi ng mga kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi lamang sa Filipinas na mga banko nangyari ang ganitong insidente kundi maging sa ibang mga banko sa ibang mga bansa.
Naniniwala si Escu-dero, malabong mangya-ring ma-hack ang natu-rang mga banko nang ganoon na lamang kabilis lalo na’t matagal at matatag na.
Tiniyak ng mga kinatawan ng BPI at BDO, nagpapatupad sila ng security measures at aga-rang tiniyak na napangangalagaan ang mga deposito ng kanilang mga customer. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)