THE WHO si Manila Police District (MPD) official na tila kinapos sa training niya sa Philippine Military Academy (PMA) o may pinagdaraanan sa kanyang mga upper class?
Har har har!
Kuwento ng Hunyango natin, tinawagan si Sir ng kanyang batchmate sa PMA para ilapit ang kanilang upper class na humihingi ng tulong.
Sa totoo lang daw ‘di naman umaarbor o may ipinapa-cover-up na kaso si upper class. Gusto lang magpa-asiste sa isang kaso na baka ma-lutong Macao.
Ang naging tulay nga para makahingi ng assistance si upper class ay sa pamamagitan ng batchmate ni MPD official.
Kumbaga si batchmate ang gumitna at siyempre nagkausap sila ni MPD official at dito ipinaalam niyang ibibigay ang cellphone number para matawagan siya.
Willing naman daw siguro si MPD official na makatulong kung kaya’t pumayag siyang ibigay ang number niya kay upper class, ‘yan ang tinatawag na brotherhood ‘ika nga.
Brader! Brader!
Heto na nga ang mamingat, ehek, mabigat. Nang tinatawagan na si MPD official aba’y napudpod sa kada-dial si upper class pero hindi sinasagot ang tawag!
Anyare?
Dahil doon, tinawagan siya ulit ni batchmate at tinanong kung bakit ‘di niya sinasagot ang tawag ng kanilang upper class.
Palusot ‘este, Paliwanag ni MPD official ‘di raw niya naririnig ‘yong tawag, sabay sabing, “Hayaan mo ‘yang mga upper class, upper class na ‘yan di naman sila nakatutulong!”
Toinks!
Ganda ng breeding sa iyo Sir, sa PMA!
Napag-alaman natin na bago pala nakuha ang ranggo ngayon ni MPD official ay ilang beses muna siyang na-by-passed.
Himutok nga niya noon at laging nasasabi, “Ilang taon pa ba ang kakailanganin ko para tumaas ang aking ranggo?”
Hindi kaya ito ang dahilan kaya tinabla niya si upper class?
Bitter?!
Kasi naging inutil siguro sa kanyang promotion ang mga upper class niya kaya ganern na ang asal niya?
Gets n’yo na kung sino si Sir?!
Monitor!
THE WHO? Scandal – ni Jethro Sinocruz