SA rami ng produktong ineendoso ni Liza Soberano ay nalimutan na itong bilangin ng manager niyang si Ogie Diaz.
“I lost count,” ito ang seryosong sabi ni Ogie noong tanungin namin kung nakakailan na ang dalaga.
At heto, may bago na namang ieendoso ang aktres, ang Megaproplus and Megasound Karaoke System na ang launching ay ginanap sa Luxent Hotel noong Huwebes ng gabi.
Ang Megaproplus and Megasound Karaoke System ay pag-aari nina Mr. Kim Sung Bok, kasama ang mag-amang Jacinto Co at Andy Co.
Ayon kay Mr. Andy, ”It is common knowledge that a party is not a Filipino Party without karaoke. Our vision was to spread entertainment throughout the Philippines and truly showcase the Filipinos’ natural festive attitude through singing.
“Filipinos love to be in the spotlight and singing is the perfect way for them to do so. In any get-together, whether it’s an office party or family reunions, singing has always been the best icebreaker. Once someone gets hold of the microphone and starts to sing it sets a positive mood and makes everybody feel more comfortable.”
Taong 2006 noong nagsimula ang MP Megapro Plus Marketing Corporation at gamit ang Korean engineering technology na ang una nilang produkto ay MP-100NS DVD system at maski na marami ng lumabas na bagong modelo ay ang nauna pa rin ang best seller at flagship.
Kaya si Liza ang napiling endorser ng MP Megapro Plus Marketing Corporation ay, ”we chose Liza, not only because we believe that she best represents our brand but also because she embodies the millennial Filipino, ambitious, talented, very hardworking, and most importantly– loves to sing in her free time,” paliwanag ni Mr. Andy.
Kumanta at ipinarinig ni Liza ang maganda niyang boses sa nasabing launching kaya sabi ng dealers na naroon ay, ”marunong din siyang kumanta pala, ang gandang bata, ang galing pang artista.”
I STILL WANT TO PROVE…
I AM THE RIGHT ONE
Anyway, natanong si Liza tungkol sa Darna project kung ano ang pakiramdam na siya na ang bagong Pinay Heroine sa pelikula. At sa rami ng gustong gumanap ay siya ang napili.
“Well, of course, I’m happy. At first, when they announced na ako ‘yung magda-Darna, I was very overwhelmed.
“And of course, there are some good opinions, there are some who don’t agree.
“But, you know, I have to respect everybody’s mind,” nakangiting sabi ng dalaga.
Hindi pa rin naiwasang may bashers si Liza dahil may ibang artistang gustong gumanap na Darna.
“If they don’t think I’m the right one to be ‘Darna’, then so be it. I respect that. But I still want to prove to everybody that I am the right one to be ‘Darna’ that I can do it, that I’m trying to do my best,” say ng dalaga.
Boses ba ni Liza ang gagamitin sa pagsigaw ng Darna?
”Well, hindi ko po siya pinapraktis. Nahihiya ako sa sarili ko na i-practice siya kasi hindi ko pa alam kung anong tamang way talaga. But, if they tell me na ako talaga ‘yung sisigaw ng Darna, then I will do it,” say niya.
WALA PANG IDEA
KUNG SINO SI DARNA
Walang idea si Liza kung sino si Darna kaya naman mega-research siya kung sino noong ihayag ng Starcinema boss Malou N. Santos ang pangalan niya.
Panay ang training at gym ni Liza para maging fit at pati pagsasayaw ay kasama rin sa schedule.
“Kasi siyempre ‘yung technique ng galaw at kilos ni Darna, kailangan perfect ‘yung timing,” paliwanag ng manager nitong si Ogie.
FACT SHEET – Reggee Bonoan