BIGONG makalapit sa Embahada ng Estados Unidos ang iba’t ibang militanteng grupong nagprotesta sa Araw ng Kalayaan, kahapon.
Naharang agad ng mga awtoridad ang mga militante sa Kalaw Avenue, tapat ng National Library, na maagang binarikadahan ng mga pulis.
Dahil dito, sa naturang kalye na lamang nila itinuloy ang kanilang programa, na pinangunahan ng mga lider ng Bayan, Kilusang Mayo Uno, Gabriela, Anakpawis, at marami pang iba.
Bagama’t kinokondena ng mga grupo ang pag-atake ng mga terorista sa Marawi City, nananawagan sila kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang martial law sa Mindanao.
Sa pahayag ng Bayan, sinabi ng grupong sapat na ang kapangyarihan ng Pa-ngulo para labanan ang te-rorismo at hindi na kaila-ngan ng batas militar.
Kinokondena rin nila ang anila’y pakikialam ng Estados Unidos sa gulo sa Marawi, maging sa sigalot sa West Philippine Sea.
Nang matapos ang may isang oras na programa sa kainitan ng araw, payapang umalis ang mga militanteng grupo.