NAGPALABAS na ng kautusan ang Ombudsman para ihain ang information complaint sa Sandiganbayan laban kina dating Sulu vice governor Abdusakur Tan at sa anak na si Maimbung, Sulu Mayor Samier Tan nang mabigong isumite ang kanilang SALN.
Inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio- Morales ang rekomendasyon na sampahan ng kaso nang makitaan ng probable cause para sampahan ng kaso si Abdusakur ng five counts, paglabag sa Section 8, ng Republic Act 6713 at 2 counts para kay Samier Tan sa kahalintulad na kaso.
Samantala, inabsuwelto si Abdusakur Tan II dahil sa kawalan ng probable cause para maidiin siya sa kasong isinampa laban sa kanya.
Nagsagawa ng im-bestigasyon ang Ombudsman dahil umano sa hinihinalang ill-gotten wealth ni Abdusakur Tan II, matapos lumobo ang idineklara niyang SALN.
Nabatid, mula sa P 1,868,133 noong 2013, naging P31,866,366.33 na ang kanyang yaman noong 2014.
Kinasuhan ang mga Tan ng kalaban sa politika na si Temogen Tula-wie makaraang makakuha ng kopya ang huli ng mga SALN ng tatlong i-naakusahan.
Base sa dokumento, hindi nag-file ng kanyang SALN ang nakatatandang Tan noong 2001-2004 at 2007-2012.
Habang si Samier Tan naman ay nabigong ihain ang kanyang SALN noong 2010 at 2011.
Si Abdusakur Tan II ay naghain ng unverified SALN noong 2013-2014 pero lumalabas na isa lamang daw itong administrative lapses kung kaya’t dinismis ang kaso laban sa kanya.
(JETHRO SINOCRUZ)