Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
?????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????

Kylie, nanay na rin ang turing kay Mariel

MASUWERTE ang mga anak ni Robin Padilla na sina Queenie at Kylie sa tita nilang si Mariel Rodriguez dahil halos lahat ng okasyon sa buhay nila ay ang huli ang nag-aasikaso.

Katulad niyong dumating ng Pilipinas si Queenie para personal na ipakilala ang asawa sa papa niyang si Robin ay si Mariel ang nag-ayos ng venue at nagtawag sa mga kaanak ng aktor.

Si Mariel din ang nagbigay ng baby shower kay Kylie kamakailan na hindi dinaluhan ni Robin dahil abala siya sa shooting ng pelikulang Utol Kong Hoodlum 3.

Base sa post ni Kylie sa kanyang IG bilang pasasalamat kay Mariel, “thank you to this amazing woman who made all of this happen. I really don’t know how to thank you enough for making magic happen for my baby’s baby shower from theme, to the guests, to the registry at mother care and even the setting up of the place. I can’t even fathom how much work you put into this night and even while taking care and being such a dedicated mother to baby Maria. Thank you again so much, even also for all the advice and all the help outside of the shower. Even Aj thanks you. I am blessed to have you there for me. Thank you tita@marieltpadilla.”

Anim na buwang buntis na ngayon si Kylie na ang ama ay ang aktor na si Aljur Abrenica na hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakausap ng soon to be father-in-law niyang si Robin.

Nabanggit din ni Kylie sa panayam niya sa isang event na si Mariel ang nanay niya rito dahil wala sa bansa si Liezel Sicangco.

“My mom is not here, she’s in Australia. She’s taking care of my two siblings there, so understandable, right? Pero hindi ko in-expect na my stepmother would be the step-in mother.”

Naikuwento rin ni Kylie na parati siyang tsine-check ni Mariel at pinapayuhan tungkol sa kanyang pagbubuntis.

“Parang life got so much easier. She’s doing this while she’s a mother din to her kid. So thank you so much. Kakaiba rin iyong love niya sa akin. Thank you, Tita,” emosyonal na pahayag ng aktres.

Dagdag pa, “she’s being a mom to me, too.”

Personal naming kilala si Mariel at talagang lahat ng taong mahal at mahalaga kay Robin ay minamahal din niya at pinagsisilbihan nang husto.

At siyempre, sobrang hands-on mom din si Mariel sa anak nila ni Robin na si Baby Isabella na kamukhang-kamukha ng aktor noong bata pa na tinawag ng TV host na, ‘my twins’ na pinagdikit ang litrato ng mag-ama.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …